Wednesday, April 22, 2020

COVID-19 Infections, Bumabagal na base sa Obserbasyon ng Health Officials!

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bumabagal na daw ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (covid-19) sa ating bansa at maituturing daw itong “good development”.


“Nakikita natin ‘yung doubling time ng sakit, ‘yung oras para mag-doble ng numero ang kaso ng COVID-19, ay medyo bumabagal… Dati nasa three days tayo, ngayon limang araw na ang binibilang natin. Magandang senyales ‘yan para sa ating lahat,” sabi ni USec. Vergeire.
Pero kahit na ganito na ang ipinapakita sa mga datos ay wala pa rin daw dahilan para maging kampante. Ginawang halimbawa ng opisyal ang ilang bansa kung saan tumaas muli ang bilang ng covid-19 cases matapos magtanggal ng “stringent measures”.

“Kasi nakikita natin sa ibang bansa ngayon, may mga resurgent o biglang nagsa-spike ulit ang mga kaso nila pagkatapos nilang mag-lift ng mga stringent measures. Kailangan nating pag-aralan maigi ito at pag-usapan maigi,” ani USec. Vergeire.

Habang ginagawa ang bog post na ito ay may naitala ng 6,599 kumpirmadong covid-19 cases sa Pilipinas. Mas marami na ang gumagaling (654) kumpara sa mga nasawi (437).
Magugunita na noong Marso 17 ay nagpatupad ang pamahalaan ng Luzon-wide enhanced community quarantine upang malabanan ang mabilis na pagkalat ng sakit. Ito ay dapat magtatapos sa gitna ng Abril pero pinalawig ito ng pamahalaan hanggang Ika-30 ng kasalukuyang buwan. Hindi pa nakakapagpasya ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung muling papalawigin ang quarantine pero nagbanta ang Presidente na maari siyang magpatupad ng mala-martial law na quarantine para mahigpit na maipatupad ang curfew at social distancing.

“I’m just asking for your disiplina, Kasi pag ayaw ninyo, ayaw ninyong maniwala, magtakeover ang mga military pati pulis. Iam ordering them now to be ready. Ang pulis, pati military ang mag-enforce sa social distancing at ‘yung curfew. Sila na. Parang martial law na rin. Mamili kayo. Ayaw ko, pero pagka naipit na ‘yung bayan at walang disiplina kayo,” sabi ni Presidente Duterte.

Source: GMA News | GMA News | PCOO via GMA News
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: