“Nung huling press briefing ko po pinaanunsyo sa akin na fake news po yung kumakalat nang balita na magkakaroon ng total lockdown. Pero hindi po fake news na kinukunsidera ang total lockdown lalong lalo na kung magpapatuloy yung mga pasaway sa ating mga kalsada,” sabi ni Roque.
Ayon sa ilang ulat, pumalo na sa higit 100,000 ang nahuling lumalabag sa quarantine.
Nananwagan si Spox Roque sa publiko na magkaisa na at manatili na lang sa bahay upang huwag ng mapahaba ang ecq.
“Wag na po natin pahabain pa itong ECQ. Tumupad na po tayo sa ating obligasyon at kakaunting panahon na lamang po ang natitira sa ating ECQ. Isang linggo. Konting tulog na lang po ito. Pagtiyagaan na po natin… Pero pag hindi po natin napa-flatten ang curve, hindi natin nabawasan ang mga kaso ng COVID, syempre po isa yan sa option na ikukunsidera,” ani Roque.
Magugunita na nagpatupad na si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng 24-hour total lockdown sa barangay 20 sa Tondo matapos malaman na may ilang residente na nagsasagawa ng basketball, boxing at bingo games sa lugar.
“Nagbi-bingo sa barangay 20. Tatlong buntis, anim na babae at matanda. Akala ko ba wala kayong pera? Bakit kayo gumagawa ng ganyan? Una, alam niyong mga krisis at ang dahilan ng krisis ay virus. Ang virus ay nakakahawa dahil sa social interaction o pakikipagkwentuhan. AnNg pamamahalaan niyo naman nililingon naman kayo. Tinitignan kayo ng pamahalaan… Kayong mga mahihirap ay binibigyan diin ng pamahalaan. Pero marami sa inyo, hindi lahat, nagpapakita ng walang disiplina. Bakit ninyo binabalewala ang sakripisyo ng ating kapitbahay (na lungsod). Wala akong maisagot sa inyo kung gaano kataba ang utak ng mga lumalabag sa polisiya ng pamahalaan,” saad ni Mayor Isko.
Source: Inquirer | Isko Moreno Domagoso | Philippine Star
Loading...
1 comments:
Kaya nga po! Lumalabag po ang iba dahil yung mga namumuno po ay hindi po iniayos ang pamimigay,ngayon po kagaya sa mga magulang ko! Hindi po sila binigyan dumaan Lang akala ko ba lahat tutulungan?paano magpray at home kung wlang makakain nasaan na ang bilyong ibinigay ng ating mahal na pangalo😭😭sobrang hirap ng mga magulang ko sa probinsya,bakit pili yung mga binigyan nyo? May naibigay po 2 dalawang kilong bigas at dalawang sardines kasya na po ba yon para magstay magulang ko sa bahay?tapos Hindi PA palalabasin dahil walang mask?
Pansarili Lang po ang iniisip ng mga nakaupo sa Gobyerno,hindi ko po nilalahat may mga tumupad parin yung may maturing PUSO!
Kung #maraming lalabag na mga nakauwi sa Gobyerno marami ding Hindi Susunod sa Home Quarantine dahil walang makakain dahil maraming Hindi nabigyan isa na po Jan ang aking mga magulang,.
Post a Comment