Hindi pinalagpas ng aktres at politiko na si Angelika Dela Cruz ang mga kritiko ng Duterte Administration.
Sa kanyang social media post, binanatan ni Dela Cruz ang mga bumabatikos sa pamahalaan na kung hindi rin daw tutulong ay mas mainam na huwag na lang magsalita.
“In this time of crisis, if you cannot help, just quarantine your mouth… Kung hindi makakatulong sa mga tao ang sasabihin natin please,” sabi ni Dela Cruz.
Si Dela Cruz ay kasalukuyang naninilbihang bilang barangay captain sa Longos, Malabon. Kilala din siya bilang isa sa mga personalidad sa showbiz na sumusuporta kay Pangulong Duterte.
Magugunit na nitong umpisa ng Abril ay bumoladas ang ilang artista laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang bantaan nito ang mga leftist groups na gumagawa ng gulo sa panahon ng enhance community quarantine.
“Huwag ninyong gamitin ang pwersa. I am addressing the left na ‘yung pambabastos ninyo ‘yung slamming about the distribution. Remember kayong mga left: You are not the government. Naintindihan ninyo ‘yan? Hindi kayo nasa gobyerno and you cannot be a part of what we are planning to do for the nation… Intindihin ninyo ‘yan. Kaya huwag kayong mag gawa ng kalokohan at mag-riot-riot diyan because I will order you detained at bibitawan ko kayo pagkatapos na wala na itong COVID… Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo nung barilan, eh ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate… My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead. Naintindihan ninyo? Patay. Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh ‘di ilibing ko na kayo. Ah ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil,” banta ni Pangulong Duterte sa mga leftist groups.
Source: Angelika Dela Cruz Instagram
Loading...
0 comments:
Post a Comment