Sunday, April 19, 2020

'Kahit anong bait mo, may sinasabi!' Kanta laban sa ANTI-DU30, Trending!


Kumakalat ngayon sa social media ang kanta ng rapper na si Pio Balbuena. Ang nasabing kanta ay may pamagat na “Reklamo” at pinatutungkulan ang mga reklamador nating kababayan at mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ilan sa mga linya ng kanta na tumatak ay ang mga banat ng rapper sa mga anti-duterte.

“Pati si Duterte ay sinisisi niyo pa rin. Walang perpekto pero sa reklamo diyan ka magaling. Nasanay sa ugaling mayroong papabagsakin. Pagkatapos wasakin bigla mong papababain. Paano tatayo ang nakaupo kung papadapain… Magrereklamo na naman na parang mga pabebe. Sinubuan mo na nga ay gusto pa ng dede… Puro negatibo na lang palagi. Kahit anong bait mo ay mayroong nasasabi. Hahanapan ka ng mali.”

Magugunita na pina-trending ng mga kritiko ni Pangulong Duterte ang hashtag na #OustDuterte sa Twitter noong pagbantaan ni Pangulong Duterte ang mga leftist groups na nagbabalak maghasik ng kaguluhan habang ipinatutupad ang enhance community quarantine.

“Huwag ninyong gamitin ang pwersa. I am addressing the left na ‘yung pambabastos ninyo ‘yung slamming about the distribution. Remember kayong mga left: You are not the government… Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo nung barilan, eh ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate… My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead. Naintindihan ninyo? Patay. Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh ‘di ilibing ko na kayo. Ah ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil,” banat ni Pangulong Duterte laban sa mga makakaliwa.
Habang isinusulat ang blog post na ito ay pumalo na sa higit 12,000 ang nag-share ng video at umani na rin ito ng daan-daang komento.


Source: Pilo Balbuena
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: