Monday, April 20, 2020

Ex-Senator, Namatay dahil sa Covid-19

Kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na paumanaw na si former senator Heherson “Sonny” Alvarez sa edad na 80-anyos ngayong araw matapos ang pakikipaglaban sa coronavirus disease 2019 (covid-19).


Napaulat na nasa kritikal na kondisyon ang dating mambabatas at ang asawa nitong si Cecile Guidote-Alvarez dahil sa nasabing karamdaman. Sasailalim din daw dapat ang dating senador sa experimental plasma therapy para malunasan ang covid-19. Matatandaang nanawagan pa ang pamilya ni Alvarez ng blood donors noong nakaraang linggo.
Bukod sa pagiging senador, nagsilbi ring Kalihim ng Agrarian Reform si Alvarez. Naging bahagi din siya ng mababang kapulungan ng kongreso noong 1998 hanggang 2001.

Source: Manila Bulletin | CNN Philippines
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

1 comments:

Anonymous said...

Malapit na maubos mga miyembro ng Light a Fire Movement; samahan ng mga terorista ng Pilipinas. Kasama ang asawa na film maker, ang mother ng isa sa APO. May pa welcome na sa impierno.