Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Archie Francisco Gamboa, hindi na magbababala ang mga pulis kung ipapatupad ng pamahalaan ang enhance community quarantine na mala-martial law .
“Kung ito ay matutuloy, it will really be full implementation of the law and wala na tayong warning, diretso na tayo sa aresto… So kung talagang tutuluyan ito, we can charge them of so many violations existing ngayon [against] Bayanihan Act No. 11332 then meron pa ‘yung Revised Penal Code. Siguro magpakita dapat ang publiko na mag-behave sila para hindi ito matuloy,”
Nangako naman ang hepe ng kapulisan na rerespetuhin ng kanilang hanay ang karapatang-pantao sa pagpapatupad ng patakaran sa quarantine.
Magugunitang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang public address na inabisuhan niya na ang mga pulis at militar na mag handa na sa mas papaigtingin quarantine. Hinalintulad niya ito sa martial law.
“I’m just asking for your disiplina, Kasi pag ayaw ninyo, ayaw ninyong maniwala, magtakeover ang mga military pati pulis. Iam ordering them now to be ready. Ang pulis, pati military ang mag-enforce sa social distancing at ‘yung curfew. Sila na. Parang martial law na rin. Mamili kayo. Ayaw ko, pero pagka naipit na ‘yung bayan at walang disiplina kayo,” ani Presidente Duterte.
Matatandaang isiniwalat ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isa sa mga tinitignan ng gobyerno na posibilidad para lubusan masugpo ang covid-19 ay ang pagpapatupad ng total lockdown.
“Nung huling press briefing ko po pinaanunsyo sa akin na fake news po yung kumakalat nang balita na magkakaroon ng total lockdown. Pero hindi po fake news na kinukunsidera ang total lockdown lalong lalo na kung magpapatuloy yung mga pasaway sa ating mga kalsada… Wag na po natin pahabain pa itong ECQ. Tumupad na po tayo sa ating obligasyon at kakaunting panahon na lamang po ang natitira sa ating ECQ. Isang linggo. Konting tulog na lang po ito. Pagtiyagaan na po natin… Pero pag hindi po natin napa-flatten ang curve, hindi natin nabawasan ang mga kaso ng COVID, syempre po isa yan sa option na ikukunsidera,” ani Roque.
Source: ABS-CBN | GMA News | GMA News | PCOO via GMA News
Loading...
0 comments:
Post a Comment