Monday, April 20, 2020

Pamilya, Nahuling Nagsusugal Matapos Tumanggap ng Tulong na P5,500 sa Gobyerno!

Timbog ang tatlong miyembro ng isang pamilya matapos maaktuhan ang mga ito na nagsusugal sa labas ng kanilang tahanan sa Sitio 2, Barangay 37, Calayab, Laoag City, nitong Sabado.

Ayon sa 2 babaeng salarin, nakatanggap sila ng P5,500 mula sa social amelioration program ng pamahalaan na nakalaan para pang-ayuda sa krisis na dala ng coronavirus disease 2019 (covid-19).
Nakumpiska sa mga salarin ang P372 pera na gagamitin nila sa pagsusugal at mga baraha.
Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Gambling Law.
Magugunita na sa isang public address, ibinulalas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang pagkadismaya sa mga kababayan na ginagamit sa bisyo ang ayuda o tulong na natatanggap mula sa pamahalaan.

“Sabihin ko talaga. Sorry na lang. May pera pala kayo pang sabong, may pera pala kayong pang-inom. E’di ibigay ko na lang. There’s not enough to go around. Hindi talaga mag-kasya… Kulang na kulang pala, ibigay ko na lang sa nangangailangan at wala na mapuntahan… Alam mo sa totoo lang kung kaharap mo ko, maniwala ka o hindi sapakin kita. kung toto lang. hanggang lumaban ka, pasensya ka,” sabi ni Pangulong Duterte.

Source: ABS-CBN | GMA News
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: