Sunday, April 5, 2020

PDU30, Ibibigay ang Buong Sahod para Panlaban sa COVID-19!

Ipinaalam sa publiko ng tagapagsalita ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Secretary Salvador Panelo na ibibigay na donasyon ni Presidente ang isang-buwang sahod para mailaan sa laban kontra coronavirus disease 2019 (covid-19).


Isa na si Pangulong Duterte sa mga opisyal ng pamahalaan na nagsakripisyo upang matulungan ang ating kababayan sa panahon ng krisis na dulot ng nasabing sakit.
Kamakailan lang ay lumabas sa ilang ulat na ang ilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte ay maglalaan naman ng 75 porsyento ng kanilang sahod para sa giyera kontra covid-19.

“Nais din nating ipagbigay-alam na ang karamihan, majority, ng mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte ay boluntaryong ibibigay ang malaking bahagi… 75% ng kanilang buwanang sahod upang ilaan sa mga programa ng gobyerno upang sugpuin ang COVID-19 sa loob ng panahong pinapatupad ang Bayanihan Law,” sabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Kahapon ay inanunsyo rin ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso pag-donate ng kanyang sahod para sa Philippine General Hospital. Gagawin din daw ito ng kanyang bise-alkalde at ng mga konsehal ng Maynila.

“Ang inyo pong elected officials sa Lungsod ng Maynila—ako po, si Vice Mayor Honey Lacuna, Majority Floor Leader Joel Chua at lahat ng City Councilor—idodonate po namin ang aming buong sahod para sa buwan ng Abril sa Philippine General Hospital. Ang lahat ng ito po ay nagkakahalagang P4.7 million. Sa maliit po naming kaparaanan, sana po ay makatulong ito sa pagpapalakas ng kakayanan ng ating nga frontliner sa healthcare sector para labanan ang outbreak ng COVID-19. Manila, God First!” saad ni Mayor Isko.

Source: ABS-CBN | Mayor Isko Moreno | GMA News
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: