Wednesday, May 6, 2020

Anong kinalaman ng PRESS FREEDOM sa EXPIRE FRANCHISE? - Ret. Journalist Jay Sonza

Kahapon ay dumating na sa ABS-CBN ang kinatatakutan nitong kapalaran, ang pagtigil ng operasyon nito dahil sa kawalan ng legislative franchise.
Ang sinapit na ito ng ABS-CBN ay hindi nagustuhan ng ilang grupo at personalidad. Humihiyaw ngayong ang mga ito ng ng pagsikil umano sa press freedom.


“Outrageous attack on media freedom… Ordering ABS-CBN to stop its operations is an outrageous attack on media freedom. It is especially reckless as the country deals with the COVID-19 pandemic. The Filipino people need accurate information from independent sources. The government must act immediately to keep ABS-CBN on air and cease all attempts to curtail media freedom,” sabi ni Amnesty International Philippines section director Butch Olano.
NAgsalita rin kahapon si TV Patrol Anchor Noli De Castro tungkol sa isyu ng pagpapahinto sa broadcasting ng ABS-CBN.

“Isa pong karangalan na maging tagapaglahad ng inyong mga kwento at tagabantay sa mga na sa kapangyarihan. Karangalan po namin na maglingkod sa inyo, kabayan… Hindi man na-renew ang aming prangkisa, at ipinatitigil ang aming broadcast, nangangako po kami sa inyo na hindi kami mananahimik sa pag atakeng ito sa ating demokrasya at sa malayang pamamahayag… Sa pinakamalaking dagok at hamon sa aming kumpanya at sa mga aming hanapbuhay, hinding hindi namin kayo tatalikuran kabayan, mga kapamilya kami, tayo ang ABS-CBN, in the service of the Filipino people, saan man sila naroroon sa buong mundo,” sabi ni De Castro.

Sa isang social media post, sinagot ng retiradong mamamahayag na si Jay Sonza ang mga boladas ng mga sumusuporta sa Kapamilya Network.

“Anong kinalaman ng press freedom sa “expired franchise”, “no permit,” “no license,” “no certificate”?” rebsk ni Sonza.
Ang nasabing post ni Sonza ay pumatok sa mga netizen. Sa kasalukuyan, umabot na sa higit 16,000 ang nag-share nito at libo-libong komento na rin ang inani ng social media post.

Source: Jay Sonza | ABS-CBN | Philstar
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: