Wednesday, May 6, 2020

'Nakikinabang kasi kayo kaya Nagsasalita para sa ABS-CBN!' - Abused Ex-ABS-CBN Cameraman

Hindi pinalampas ng dating cameraman ng ABS-CBN ang mga artistang bumuboladas ukol sa pagsasara ng Kapamilya network dahil sa pagkapaso ng prangkisa nito. Magugunita na kahapon ay nag-isyu ang National Telecommunication Commission (NTC) ng cease and desist order para pigilan ang istasyon sa pagbo-broadcast.

Ilan sa mga kilalang talents ng ABS-CBN na nagsalita laban sa cease and desist order ng NTC ay sina Vice Ganda at Coco Martin.

“Di lang ang network at ang mga empleyado ang kawawa kundi ang buong bansa at lahat ng Pilipinong napagkaitan ng kailangang kailangang serbisyo sa oras na ito ng pandemya. ANG LUPIT!” sabi ni Vice Ganda.
“Lord God i believe in you and your power. Alam ko pong nakikita nyo ang lahat. Kayo na po ang bahala sa amin at sa kanila,” dagdag pa ng komedyante.
Para naman kay Martin, tinarantado daw ang Kapamilya network.


“Hindi ako mangingiming sabihin ang totoong nararandaman ko ngayon. Sa mga taong tulad niyo na hindi karapat-dapat pakitaan ng diplomasya at pagkamalumanay. Ang dapat sa inyo usapang sanggano at walang-hiyaan! Galing ako sa hirap at jologs ang pagkatao ko, kaya wala akong pakialam ngayon kung anong sasabihin ng ibang tao. Hindi man ako kasing talino ng iba, alam ko at malinaw sa akin na MALI at KAWALANG KATARUNGAN ang tanggalan ng hanapbuhay ang ilang libong empleyado ng isang kumpanyang naglilingkod sa sambayanang Pilipino ng ilang dekada! Maraming maraming salamat Solicitor General Joe Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontribusyon niyo sa ating bayan! TINATARANTADO NINYO ANG MGA PILIPINO!!!” boladas ni Martin.
Buwelta naman ni Payonan, nagsasalita lang daw ang mga artista dahil nakikinabang ito sa kanilang kumpanya.

“Isang nakakatawa at nakakaawa ay itong mga artista nila na nagngangangawa kahit hindi nila alam ang mga pinagsasabi nila. Porke nakikinabang sila sa kanilang kumpanya ay papanigan na nila. Ang dapat diyan ay timbangin mo muna kung dapat kang magsalita,” sabi ni Journalie Payonan.

Binunyag din ni Payonan na matagal na panahon siyang walang benepisyong (SSS) na natatanggap mula sa Kapamilya network kahit na pinapadala siya sa mga delikadong lugar.

“Inaalagaan mo ang gamit ng kumpanya at nagmamalasakit ka pero bandang huli ay thank you lang ang katapat nun,” dagdag pa ni Payonan.


Source: Banat By | Jose Marie Viceral’s Tweet | Coco Martin’s Instagram Account | Philippine Star

Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

2 comments:

Sarah Doll said...

Ok now you win mr camera man‼️

maquolet na misis said...

woow huh galing nang mga atistang ito ka tanga tanga ginamit pa ang bayan potcha nman wag nyo kaming idamay sa kabugokan nyo😏