Thursday, May 21, 2020

'At least ako, naging artista kahit chaka' ABS-CBN's Pokwang, Bumanat sa mga Bashers!

Sumagot ang ABS-CBN comedian na si Pokwang sa mga bumabatikos sa kanya matapos niyang magbigay ng reaksyon tungkol sa isyu ng mass testing para sa coronavirus disease 2019 (covid-19) pendemic na kinakaharap ng Pilipinas.

Ayon sa artista ng Kapamilya network, talented daw siya.


“Yung panglalait niyo sa akin na pisikal at pang-aalipusta niyo, nakatulong ba para mawala problema sa mundo or porblema mo sa buhay? Sana lang nakatulong nga iyang pagiging perpekto niyo ha. Kailan ko ba sinabi na ang ganda ko? At least ako, naging artista kahit chaka! Kasi ang tawag doon talent! At iyon ay gift!”
boladas ni Pokwang.


Kanina ay naglabas ng opinyon si Pokwang tungkol sa ginagawa ng pamahalaan laban sa covid-19 outbreak. Kinuwestiyon niya kung bakit walang mass testing na ginagawa ang gobyerno. Hindi na raw siya makapaghintay na mag 2022 upang makaboto muli.

“Totoo po ba walang magaganap na mass testing? As in wala? So kami na po bahala sa buhay namin ganern? Matira matibay na lang talaga? Salat po sa pagmamahal ha… Wooo sana 2022 na! Sarap bumoto uli!” banat ni Pokwang.

Matatandaang ipinaliwanag na ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang anumang bansa ang nagsasagawa ng testing sa lahat ng populsayon. Klinaro din ni Roque na may ginagawa ang pamahalaan na covid-19 testing at ang tawag dito ay expanded targeted testing.
“Mayroon po tayong expanded target testing. Siyempre sa simula ay mahina po iyan dahil bago pa lang ang sakit na ito. Bago ang mga teknolohiya at laboratories para i-testing sa sakit na ito. Yes, kakaunti tayo nung nagsmila pero we are aiming for 30,000,” sabi ni Roque.



Source: News5 | News5 | Archive | Facebook
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: