“Wina-warningan ko na ang lahat ng barangay captain at mga tresurero, umayos kayo. Labas kayo ng labas kayo ng pera ng barangay tapos (walang) liquidation. Ngayon, bubusisiin namin lahat iyan at sisiguraduhin na makukulong kayo ‘pag magnanakaw kayo, hindi lang kayo matatanggal sa pwesto. Pera ng barangay iyan, kaban ng bayan iyan, pinagkatiwalaan kayo, tapos nanakawin niyo ang kaban ng bayan? Dapat maraming development projects na nagagawa sa barangay. pero dahil sa inyong pagkatulisan, harapin niyo ang bagsik ng batas,” dagdag pa ni DILG Usec. Diño.
Magugunita na noong Marso ay nakarating sa kaalaman ng DILG ang impormasyon na may ilang barangay captain na namimili ng mga residente na bibigyan ng quarantine pass o food assistance. Kaya hinikayat ng kalihim ng DILG na si Eduardo Año ang publiko na isumbong sa kanila ang mga nasabing kapitan para mabigyan ang mga ito ng leksyon.
“‘Yang ang tinatawag nating mga epal na mga barangay captain. I-report niyo sa amin anong pangalan, anong barangay at aaksyunan natin iyan… Hindi rin requirement ang voter’s ID para bigyan ka ng quarantine pass o bigyan ka ng food assistance. Malayo pa ang eleksyon but what you’re doing now will be the basis of the people wheter you’ll be elected o not in the next election,” sabi ni DILG Secretary Año.
Narito po ang mga numero kung gusto niyong magsumbong sa DILG.

Source: Radyo Natin 106.3Laguna
Loading...
0 comments:
Post a Comment