Sunday, May 17, 2020

Law Office ng mga Cayetano, Konektado ba sa ABS-CBN? Totoo kaya?

Sa pag-uumpisa ng buwan ay nag-piyesta ang mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at mga galit sa ABS-CBN dahil sa naging direktiba ng National Telecommunication Commission (NTC) na pahintuin ang Kapamilya network sa pag-e-ere.

Pero ilang araw lang ang nakalipas matapos maglabas ng kautusan ang NTC ay nabigla ang mga ito dahil sa pag-apruba ng kongreso sa provisional franchise na ibinigay sa istasyon na tatagal hanggang Oktubre 2020. Ang pag-apruba sa panukalang batas ay pinangunahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano at ng ilan niyang kaalyado.
Ang hakbang na ito ni Cayetano ay mariing tinutulan ng ilang personalidad.
Ngayon ay inuungkat ng ilang indibiduwal ang koneksyon ng mga Cayetano sa Kapamilya network.


Sa social media post ng prominenteng abogado na si Atty. Larry Gadon, sinabi nito na hihilingin niya sa senado na mag-inhibit sa botohan sa franchise bill ang ilang senador. Kasama dito si Senadora Pia Cayetano. Ayon kay Gadon, ang law office daw ng mga Cayetano ay konektado umano sa ABS-CBN.

“Ako po ay lubos na gumagalang na nagbibigay ng mungkahi na naglalayon ng pag inhibit ng mga sumusunod na Senador na makilahok sa mga debate at botohan sa pagbibigay ng Prangkisa sa Abs CBN Corporation o sa ABS CBN BROADCASTING CORPORATION o ano mang kumpanya na may kinalaman at koneksyon sa ABS CBN. Ang mga Senador na ito ay may alegasyon na hayagang alam ng publiko na nakikinabang pati asawa o kapamilya sa ABS CBN bilang stockholder , talent , producer o iba pang interes, sa ABS CBN Channel 2 , TV Plus , Skycable , Radio at iba pang media na pag aari ng ABS CBN.
… The law office Cayetano Sebastian , is one of the law offices retained by ABS CBN , the law office where the late Rene Cayetano was founder and partner and Senators Allan Peter and Pia are also either partners or associates , Sebastian is husband of Pia Cayetano . The late former Senator Rene Cayetano had a long running television and radio show COMPANERO in ABS CBN,” sabi ni Atty. Gadon.


Sa Facebook post naman ng dating Ambassador na si Rigoberto Tiglao, may inihayag ito na mga bigating abogado ng ABS-CBN. Isa sa mga nakalista ay ang law firm kinabibilangan ng mga Cayetano.
Ganito din ang social media post ng retiradong mamamahayag na si Jay Sonza.
“Now in can be told. Cayetano & Associates Law Offices is ABS CBN legal counsel,” banat ni Sonza.
Hindi pa sinasagot nina House Speaker Cayetano at ni Senadora Pia ang mga alegasyon na ito.

Source: Atty. Larry Gadon | Former Ambassador Bobi Tiglao | Jay Sonza | Archive | Archive | Archive
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: