Sunday, May 17, 2020

SBWS ng SSS, BIR at DOF, P5K to P8K sa mga Empleyado ng Small Businesses Nagsimula na!

Narito ang detalye kung ano ang Small Business Wage Subsidy (SBWS) kasama na kung papaano iclaim ang pera sa remittance center.

Image may contain: 1 person, text that says 'Small Business Wage Subsidy Program Anthony Gaw Owner, Golden Touch Touch Imaging Specialist " Nais naming magpasalamat sa tulong ng pamahalaan. Sa dalawang buwan na lockdown, imposibleng mabuhay ang mga tauhan namin ng walang support. Salamat at natulungan nyo ang sambayanang manggagawa at, higit higit sa lahat, tiwala ng taongbayan sa gobyerno. Mabuhay kayo!'
Image may contain: 1 person, text that says 'Small Business Wage Subsidy Program Mary Villar Office Assistant, Exalta Auto Parts and Services Corporation " Ngayon po kasi gipit kami, lahat po ng tao namin mekaniko, padre de pamilya, kaya kailangang kailangan nila ito. Malaking bagay [ang wage sa kanila.'

ANO BA ANG SMALL BUSINESS WAGE SUBSIDY (SBWS) PROGRAM? 
Ang SBWS ay programa ng gobyerno na magbibigay ng ayuda sa 3.4 milyong empleyado ng 1.5 milyong small businesses nationwide na apektado ng quarantine. Ang kabuuang halaga ng ayuda ay 51 billion pesos



PARA SAAN BA ITONG SBWS PROGRAM?
✅ Bigyan ng ayuda ang mga kwalipikadong empleyado ng small businesses (na karamihan ay middle class) na hindi nakakapagtrabaho at nasuswelduhan dulot ng quarantine.

✅ Tulungan ang mga small businesses na kapos sa pera na mapanatili ang kanilang mga empleyado.

Bahagi ang SBWS ng mas malawak na programa para sa small businesses:

1️⃣ Small Business Wage Subsidy (SBWS)
2️⃣ Guarantee sa mga utang ng small businesses
3️⃣ Mas mahabang net operating loss carryover na limang taon


MAGKANO ANG MATATANGGAP NG SBWS BENEFICIARIES?

Makakatanggap ng dalawang tranches ng wage subsidy o ayuda mula 5,000 hanggang 8,000 pesos (depende sa rehiyon kung saan nagtatrabaho) ang bawat eligible o kwalipikadong empleyado sa loob ng dalawang buwan.

Ang mga empleyadong nakatanggap ng ayuda mula sa DOLE CAMP ay maaari ring tumanggap ng ayuda sa SBWS pero sila ay eligible lamang para sa first tranche ng SBWS (mula May 1 hanggang 15, 2020).

 

PAANO MATATANGGAP NG EMPLEYADO ANG AYUDA?

Maaaring i-claim ang wage subsidy sa mga sumusunod na paraan:

1. Withdrawal sa ATM sa pamamagitan ng SSS UMID card ng miyembro
2. Withdrawal mula sa bank account na registered sa My.SSS ng empleyado
3. Employee Union Bank Quick Card
4. PayMaya account ng empleyado
5. Cash-pick-up arrangement sa pamamagitan ng money remittance transfer companies


ANO ANG MGA SMALL BUSINESSES NA MAAARING MAG-APPLY?

 Small businesses, o lahat ng hindi kasama sa listahan ng BIR Large Taxpayers Service (LTS).
 Small businesses na napilitang magsara pansamantala o magsuspinde ng trabaho dahil sa quarantine (ECQ) o pinayagang mag-operate ng skeleton force.
 Lahat ng apektadong small businesses ay tutulungan, ngunit ang pangunang makakatanggap ng tulong na ito ay ang mga sumusunod sa patakaran ng SSS at BIR.

PAALALA: Ang aplikasyon ay gagawin ng small business employers para sa kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng My.SSS account.

SINO ANG MGA EMPLEYADONG MAAARING I-APPLY NG KANILANG MGA EMPLOYER?

 Nagtatrabaho sa isang eligible small business
 Aktibong empleyado ng nasabing small business hanggang March 1, 2020 ngunit hindi nakatanggap ng sweldo ng dalawang linggo o higit pa, dahil sa pansamantalang pagsara ng negosyo
 Kahit anong contract status (e.g.,. regular, probationary, regular seasonal, project-based, fixed-term)
 Sertipikado ng employer na pasok sa criteria na nabanggit


PAALALA: Ang mga empleyadong nakatanggap ng ayuda mula sa DOLE CAMP ay maaari ring tumanggap ng ayuda sa SBWS pero sila ay eligible lamang para sa first tranche ng SBWS (mula May 1 hanggang 15, 2020).

SINO NAMAN ANG MGA HINDI KWALIPIKADO?
 Mga empleyadong nakakapag-work from home o bahagi ng skeleton force ng kanilang kompanya
 Mga empleyadong naka-leave, nakakatanggap man ng sweldo o hindi, sa kabuuan ng panahon ng ECQ
 Mga empleyadong nakakatanggap na ng SSS unemployment benefits dulot ng COVID
 Mga empleyadong may unsettled o in-process SSS final claims (e.g., funeral, retirement, death, at total disability)



ANO ANG MGA KUNDISYON PARA SA SBWS PROGRAM?


Sponsored Links
Hindi maaaring tanggalin sa trabaho ang empleyadong nakatanggap ng wage subsidy.
Ang empleyado ay hindi maaaring magresign sa loob ng ECQ period.

Ito ay susuriin sa monitoring at evaluation stage ng programa. Ang hindi pagsunod sa mga kondisyong ito ay magreresulta sa pagrefund ng employer ng wage subsidy amount sa gobyerno.

ANO ANG SCHEDULE NG PAG-APPLY PARA SA PROGRAMA AT PAGKUHA NG WAGE SUBSIDY?



Ang application period ay mula April 16-30, 2020.

Ang distribution period ng wage subsidy para sa first tranche ay May 1-15, samantalang May 16-31 naman para sa second tranche. Ang schedule ng second tranche payout ay maaaring magbago depende sa schedule ng ECQ.

No photo description available.

PAANO MALALAMAN KUNG KASAMA ANG EMPLOYER SA PRE-QUALIFIED LIST NG SBWS?

STEP 1: Gamit ang inyong web browser, pumunta sa BIR website (www.bir.gov.ph). Siguraduhin na meron kayong stable internet connection.

STEP 2: I-click ang SBWS icon na matatagpuan sa BIR homepage.

Maaari ring pumunta diretso sa https://www.bir.gov.ph/images/sbws/index.php.



PAANO MALALAMAN KUNG KASAMA ANG EMPLOYER SA PRE-QUALIFIED LIST NG SBWS?

STEP 3: I-enter ang inyong 9-digit TIN sa Search field. Siguraduhin na ang TIN ay valid at pagma-may-ari ninyo.

Nirerekomenda ng BIR na i-check ninyo ang inyongCertificate of Registration para siguradong tama ang mailagay na impormasyon.

Pagkatapos ilagay ang TIN ng employer, i-click ang “Search”.



PAANO MALALAMAN KUNG KASAMA ANG EMPLOYER SA PRE-QUALIFIED LIST NG SBWS?

Sponsored Links

KUNG IKAW AY KWALIPIKADO, maglalabas ng green prompt ang system. Kapag ikaw ay isang corporation, ang lalabas na detalye ay ang iyong registered name at passcode.



Kapag ikaw ay isang sole proprietorship, ang lalabas na detalye ay ang iyong registered name (name of owner), business name, at passcode.



Kopyahin ang passcode.
Image may contain: text

PAANO MALALAMAN KUNG KASAMA ANG EMPLOYER SA PRE-QUALIFIED LIST NG SBWS?

Kung ikaw ay hindi kwalipikado o mali ang TIN na nailagay, maglalabas ng red prompt ang system.
Kung may katanungan tungkol sa eligibility criteria, maaaring magpadala ng email sa SBWS_BIRquery@bir.gov.ph na may kasamang impormasyon: TIN, company name, RDO code, at inyong mensahe.


PAANO MALALAMAN KUNG KASAMA ANG EMPLOYER SA PRE-QUALIFIED LIST NG SBWS?

STEP 4: Tandaan o isulat ang ‘Passcode’ dahil kailangan ito sa pag-apply para sa SBWS.

Pagkatapos makuha ang passcode ay pumunta na sa www.sss.gov.ph para maglog-in sa inyong My.SSS account.




PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

 Dapat mag-apply ang mga eligible employers para sa SBWS program sa SSS website gamit ang kanilang My.SSS accounts.
 Tatanggap ang SSS ng mga applications mula April 16 - 30, 2020.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

STEP 1: Pagkatapos i-check sa BIR SBWS portal kung eligible ba ang inyong small business, pumunta sa SSS website (www.sss.gov.ph) at mag-log in sa inyong My.SSS account upang simulan ang application process.

Siguraduhin na stable ang inyong internet connection.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

STEP 2: Pagka-log in sa inyong My.SSS account, i-click ang “Small Business Wage Subsidy” na tab.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

STEP 3: I-copy ang passcode na nakuha mula sa BIR search system at i-paste ito sa My.SSS SBWS portal. Pagkatapos, i-type ang Taxpayer Identification Number (TIN) ng employer.

I-click ang “Proceed” button pagkatapos para makapasok sa application portal.



PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

STEP 4: Pagkapasok sa system, makikita ninyo ang inyong listahan ng employees.

Dapat piliin ng employer ang mga eligible employees sa pamamagitan ng pag-click ng box sa kaliwa. Paki-click din sa kanan kung ang empleyado ay CAMP beneficiary.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

STEP 5: Kung wala ang employee sa listahan ng SSS, ibig sabihin ay hindi siya registered sa My.SSS o kulang ng impormasyon ang kaniyang My.SSS account.

Pagkatapos i-select ang mga eligible employees, kailangan i-type ng employer ang TIN ng bawat isa sa kanila.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

STEP 6: Kailangan ng employer sumang-ayon sa Employer’s Undertaking ng SBWS:

 Lahat ng impormasyon na nasa application ay totoo, tama, at kumpleto.
 Lahat ng employees ay binigyang-alam ng uri ng application at nasabihan ang mga qualified at ipinaliwanag naman ang dahilan ng pag-disqualify doon sa mga hindi.
 Lahat ng qualified employees ay alam ang layunin ng pagbahagi ng kanilang personal at/o sensitive personal information sa SSS, DOF, at BIR, at nagbigay ng full consent tungo rito.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

STEP 7: Tandaang kailangang magsumite ang employer ng Certification Attesting to the Work and Pay Status of Employee sa SBWSCertifications@sss.gov.ph pagkatapos ng application.

I-click ang “Employer Certification Template” para ma-download ang template na gagamitin pagkatapos ng application.

Kung sang-ayon sa Employer’s Undertaking at na-download na ang “Employer Certification Template,” i-click ang “I Agree”.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

STEP 8: Iche-check at iva-validate ng SSS automated system ang mga sumusunod:

 Ang employee ay walang pending o natanggap na kahit anong SSS unemployment benefit dahil sa COVID-19
 Ang employee ay hindi isang DOLE CAMP beneficiary
 Ang employee ay walang settled o in-process na SSS final claims (funeral, retirement, death, and total disability).


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

STEP 9: Ipapakita ng SSS sa employer ang mga qualified at disqualified employees, at kung ano ang dahilan ng kanilang confirmation o denial.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

STEP 10: Makakatanggap ng email notification mula sa SSS ang mga eligible employees na ang kanilang employer ay kinumpirma ang kanilang qualification para sa SBWS Program. Ang employee beneficiaries ay bibigyan ng detalye kung kailan dapat ma-credit ang subsidy sa kanilang mga bank accounts o kung available na ba ito para sa disbursement through remittance agents.

Maaaring i-disburse ng SSS ang wage subsidy sa pamamagitan ng mga sumusunod na payment channels:
🔹 SSS UMID card enrolled as ATM;
🔹 PESOnet participating banks;
Union Bank Quick Card;
🔹 Electronic wallets such as PayMaya; or
🔹 Cash pick-up through remittance partner agents.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

Ipapaalam ng SSS sa employer ang kanilang mga qualified employees na for confirmation pa dahil kulang ang kanilang credentials, tulad ng:

 Kung ang employee ay hindi rehistrado sa My.SSS
 Kung ang employee ay walang bank account
 Kung ang employee ay walang registered bank account sa kaniyang My.SSS account

Para sa mga unsuccessful credits dahil sa invalid bank accounts, makakatanggap ng notification mula sa SSS ang mga employees na baguhin ang kanilang bank accounts sa loob ng limang (5) araw sa Bank Enrollment Module ng My.SSS facility. Bibigyan din ng notice ang employer para i-advise ang kanilang employee na i-enroll ang kanilang tamang bank o payment accounts.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

Maaari rin ma-disqualify ang employee kung may existing Unemployment Benefit Claim o isang settled/in-process na final benefit claim (e.g., death, funeral, total disability, or retirement).

Image may contain: textPAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?


Ipapaalam ng SSS sa employer ang mga successfully confirmed employees sa SBWS Module. Bibigyan din ng notice ang qualified employee.

Image may contain: text
ANONG MGA CONTACT DETAILS PARA SA MGA KATANUNGAN?

PARA SA MGA KATANUNGAN TUNGKOL SA PRE-QUALIFICATION:

Maaaring magpadala ng email sa BIR at SBWS_BIRquery@bir.gov.ph.
Siguraduhing nakalakip sa email ang mga sumusunod:
🔹 TIN
🔹 Registered Name or Business Name
🔹 Revenue District Office (RDO) kung saan nakarehistro
🔹 Inyong Mensahe

PARA SA IBA PANG KATANUNGAN, MAARING I-CONTACT ANG SSS SA:

Call Center: 1455
Toll Free: 1-800-10-2255777
Email: SBWSQueries@sss.gov.ph
Facebook: fb.com/SSSPh
Website: www.sss.gov.ph

No photo description available.

Para sa buong detalye bisitahin ang source: SMALL BUSINESS WAGE SUBSIDY (SBWS)

PAANO ICLAIM ANG PERANG TATANGGAPIN GALING SA SBWS?



©2020 THOUGHTSKOTO
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

2 comments:

Unknown said...

Paano yung hindi nakatanggap kasi hindi hinulugan ng employer q ang lahat ng benefits ko. January palang ngsabi na ako na walang kaltas payslip q binabaliwala lang nila. Ngayon hindi kami nakasali sa SSS na ayuda kc hindi hinulugan ng employer q. Pero ibang mga kasama ko sa company nakakuha at masaya sila pero kami na Hindi nahulugan SSS nga2. Matagal na akong member ng SSS pero itong bagong employer Hindi nghuhulog ng mandatory benefits namin. Baka po pwd pa kami makasali.

Unknown said...

Required ba talaga ng ang TIN # para maging kwalipikado ang isang employee para sa SBWS?

Which ang Company na man lang ang process nito? Hoping for your reply