Thursday, June 18, 2020

20 Milyong Contruction Equipments, Sinunog ng NPA dahil Hindi Sila Binigyan ng Pera!

Isang construction company ang pinakahuling biktima ng panununog ng New People’s Army (NA) sa Tiboli, South Cotabato.
Aabot sa 20 milyones na halaga ng heavy equipment ng Gemma Construction Company ang sinunog ng mga rebeldeng komunista. Ilan sa mga kagamitan na ito ay backhoe, payloader at dump truck.
SPONSORED BY:
Abala umano ang mga manggagawa sa kanilang pagtatrabaho nang biglang dumating mga pesteng rebelde atsaka sinunog ang mga kagamitan sa pamamgitan ng pagbuhos ng gasolina sa mga ito.
Kinumpirma ng South Cotabato provincial police, ang mga NPA ang nasa likod ng nasabing pag-atake.

Nagbabala pa daw ang NPA ng mga karagdagang pag-atake kung hindi magbibigay ang kumpanya ng “protection money” kada buwan.
Ang Gemma Construction Company ay nalugi na ng mahigit P50 million dahil sa mga pag-atake ng NPA sa probinsiya ng South Cotabato.
Ayon kay Tiboli Mayor Dibu Tuan, tinutugis na ng mga kapulisan, mga sundalo sa Army Special Forces unit at 72nd Infantry Battalion ang mga salarin. Hihingin din daw ang tulong ng mga barangay official para makilala ang mga kawatan.

Isa sa mga maaaring maging daan para masugpo ng lubos ang NPA ay ang anti-terrorism bill (ATB) na kamakailan lang ay sinertipikahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “urgent”.
Magugunita na may ilang personalidad sa showbiz at politika ang nakisawsaw at pinababasura ang ATB. Ilan sa mga ito ay sina Miss Universe Pia Wurtzbach at Catriona Gray.
Dinepensahan naman ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez ang panukalang batas.
SPONSORED BY:

“Our country’s inability to arrest and prosecute suspected terrorists, keeps law enforcement’s hands tied until a terrorist event occurs. It’s like giving the terrorists a free pass, telling them that we are just going to watch their acts of terror unfold first, and then we get our cue to run after them. The terrorists are literally having “more fun in the Philippines,” because our laws allow it so. This makes us a very conducive venue to undertake, plan and prepare for terrorist activities… This past week, we have seen strong opposition against HB 6875 or the Anti-Terrorism Act of 2020. I urge you all to read the bill first-hand and not rely on second-hand opinions of others, who may have been influenced by those who twisted the interpretation of actual sections of the bill to suit their accusations,” paliwanag ni Cong. Torres-Gomez.

Source: Notre Dame Brodcasting Corportation | Representative Lucy Torres-Gomez

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: