Thursday, June 18, 2020

"Bakit maliit lang ang bawas sa tuition fee kahit online classes na lang?" - PDU30

Itong nagdaang mga araw ay naging usapin ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24. Magugunita na hindi pinayagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga eskwelahan na magsagawa ng face-to-face classes dahil sa pangamba ng mas malawakang covid-19 outbreak. Bagkus magkakaroon na lang ng distance learning para hindi mapahamak ang mga estudyante sa gitna ng banta ng covid-19.
SPONSORED BY:
Hindi naman nakaligtas kay Pangulong Duterte ang maliit na kaltas sa mga matrikula ng mga eskwelahan.

“We will talk about education. But the most pressing problem or the most question — the question most asked is why is it that there is only a small drop in the tuition fees even with this new learning setup?… Mga kababayan ko, mayroon tayong isang tanong na gustong malaman ng halos lahat. Ito ‘yung — on why there is only a small drop in tuition fees despite there being no face-to-face classes,” sabi ni Pangulong Duterte.

Tinalakay din ni Pangulong Duterte ang pagbili ng mga radyo para sa mga estudyante samga liblib at malalayong lugar.

“Ang radyo ngayon is hindi naman mahal. We will buy 300 sabi ni Secretary Briones. Baka kung magtagal ito talaga, sayang ang panahon, we might buy the radio at 300 maibigay sa lahat ng — sa lahat ng barangay na maabot ng radio para naman ‘yung mga mahirap may communication sila sa teacher nila.
SPONSORED BY:
Even without face — without a face there, as long as you are really interested to learn and ito ‘yung mga mahirap, kaawa naman. We will try to come up with something in the next few days. Maybe before the end of the week, I would be able to look for the money. Wala na tayong pera ngayon. I would look for the money to buy transistor radios to be distributed all throughout the country.
We will try to do it. We might not be able to succeed to bring all of it to the barangay level but we will try,” sabi ng Presidente.

Source: PCOO

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: