Nitong nagdaang mga araw ay naging matunog at sikat ang Anti-Terrorism Bill (ATB) na sinertipikahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “urgent”.
Matapos ang naging hakbang ng Pangulo ay nagsulputan ang mga kumkontra sa panukalang batas. Ilan sa mga ito ay mula sa mundo ng politika at showbiz.
SPONSORED BY:
Isa sa mga kumkuda laban sa anti-terrorism bill ay ang aktor na si Dingdong Dantes. Ayon sa kanya, ang mga artista ay isa sa mga maapektohan ng ATB kaya dapat ay kinonsulta din daw sila.
“Artists were not consulted on this bill, and yet we are among those whose personal and professional lives are at stake… Contrary to the notion that we only exist to entertain, artists are actually vital storytellers of our nation’s past, present and future. We help bring people together; we help Filipinos stand as one nation as we have always done in the past and are continuing to do during the current pandemic… And since the Filipino’s cooperation, support, trust, and confidence is critical in the fight against terrorism, we, artists assert our role and responsibility in helping craft the law so that we may better contribute in bringing the people together towards one goal which is freedom and peace,” kuda ni Dantes.
Maging si Bise Presidente Leni Robredo ay kontra din sa nasabing panukala.
“Diyos ko naman. Nakakapanlumo… Para sa akin, bakit? Bakit ipipilit—hindi lang ito sinisingit, pinipilit… Walang pananagutan. Grabe iyong spaces for abuse kaya ito, mariin natin itong kinokontra. Hinihingi natin, hindi natin binabawalan magpasa ng batas kung palagay nila, hindi pa sufficient ito. Pero sa tama naman na proseso. Walang railroading kasi kapag niri-railroad, bakit?” boladas naman ni Robredo.
Si Robredo ay sinuportahan ni Dantes noong 2016 elections.
SPONSORED BY:
Magiting namang dinedepensahan ni Senador Ping Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang panauakalang batas sa social media.
Ang ATB ay pasado na sa kongreso at senado. Pirma na lang ng Pangulong Duterte ang hinihintay nito upang maging ganap na batas na ito.
Source: Inquirer | GMA News | Archive
0 comments:
Post a Comment