Sunday, June 28, 2020

Kapamilya stars take pay cuts in support of ABS-CBN

Pumayag ang Kapamilya stars na tapyasan ang sinisingil nilang talent fee bilang pagpapakita ng suporta sa ABS-CBN.

Kinailangang magbawas ng gastos ang network, na nasa gitna ngayon ng krisis pinansiyal.

Halos dalawang buwan na kasing tigil-operasyon ang broadcasting unit nito.

Sa isang pahayag ngayong Sabado, June 27, nagpasalamat si ABS-CBN Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes sa pag-unawa ng Kapamilya talents at ng kanilang managers sa kasalukuyang sitwasyon ng network.

"We are grateful to all our artists for their understanding and support for the network during these difficult times," saad sa statement ni Vidanes.

"We thank them for keeping the passion and commitment to bring joy and entertainment to our audience in the midst of the pandemic and the shutdown."
PAMI: TAKING A PAY CUT IS PAYING IT FORWARD
Sa panig naman ni Professional Artist Managers Inc. (PAMI) President June Rufino, sinabi niyang nauunawaan ng kanilang grupo ang krisis na pinagdadaanan ngayon ng ABS-CBN.

Sa laki raw ng naitulong ng network sa mga artista nila, gayundin sa mga biktima ng mga kalamidad sa bansa, ang pagpayag ng PAMI sa pagbabawas sa talent fee ay isang paraan "to pay it forward."

Sinabi ni Rufino: "In good times, ABS-CBN has been with us.

"In bad times, we want to be there for them."

Ayon kay Rufino, nakausap na niya ang kanyang talents tungkol sa tapyas sa talent fee.

Wala raw reklamo ang mga ito.

Pare-pareho raw nilang nauunawaan ang krisis na hinaharap ngayon ng Kapamilya network.

"Ngayon alam nila, wala ang ABS-CBN. Naiintindihan nila iyon.

"We want to cooperate. We want to help ABS-CBN in whatever way we can and taking a pay cut is one way to do that," ani Rufino.

Dagdag niya: "ABS-CBN has always been in the service of the Filipino. Kapag may calamities, iyong ABS-CBN ang nauunang tumulong.

"Now, it’s time for us to pay it forward."

Ilan sa mga Kapamilya stars ang nasa ilalim ng pangangalaga ng PAMI members, katulad nina Luis Manzano, Jessy Mendiola, Marco Gumabao, John Prats, at Ogie Alcasid.

SHOWS IN KAPAMILYA CHANNEL
Sa ngayon, iilang Kapamilya shows na lang ang napapanood sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV.

Kabilang sa mga ito ang FPJ’s Ang Probinsyano, It’s Showtime, Magandang Buhay, Love Thy Woman, A Soldier’s Heart, ASAP Natin ‘To, at The Voice Teens.

May dalawang bagong shows din sa Kapamilya Channel, ang Paano Kita Mapasasalamatan ni Judy Ann Santos at ang Iba ‘Yan ni Angel Locsin.

FRANCHISE RENEWAL BILLS STILL PENDING
May 5 nang ipinasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang broadcasting operations ng ABS-CBN.

Ito ay matapos mapaso ang 25-year legislative franchise ng network noong May 4.
Simula noon, ayon sa ABS-CBN Corporation, aabot sa PHP30 million-PHP35 million ang nawawalang kita ng network bawat araw na sarado ito.

Kinumpirma rin ng ABS-CBN na nakatakda na itong magbawas mula sa 11,000 empleyado nito sa darating na Agosto

Patuloy pa ring dinidinig sa Kamara ang panukalang magbibigay ng panibagong 25-taong prangkisa sa Kapamilya network.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Source:  Jet Hitosis


SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: