Pinabulaanan ng Kapamilya network ang naging pahayag ng isang mambabatas. Ayon sa ABS-CBN, hindi sila nagpadala ng emisaryo para manuhol kapalit ng boto para sa prangkisa ng istasyon.
“ABS-CBN did not send an emissary to bribe any lawmaker to vote in favor of our franchise application. We believe in the process and we have participated in the process. We answered all issues raised in the past 12 hearings,” sabi ng Kapamilya network.
Magugunita na kaninang umaga ay sinabi ni ACT-CIS Partylist Congressman Eric Yap na may kumausap sa kanya at nag-alok ng P200 million kapalit ng pagboto pabor sa ABS-CBN franchise. Ang kumusap daw sa kanya ay nagpakilalang emisaryo ng istasyon.

Source: News5 | News5
0 comments:
Post a Comment