Thursday, July 9, 2020

'Kampon ng Kadiliman' Journalist Julius Babao, Binanatan ang mga ABS-CBN Bashers!

Sa pamamagitan ng kanyang social media account, pinatutsadahan ni ABS-CBN news anchor Julius Babo ang mga taong bumabatikos at gustong maipasara ang ABS-CBN. Banat ni Babao, mga kampon ng kadiliman daw ang mga ito.
SPONSORED BY:

“Inuulit ko ang mga nag-aasam at nangangarap na mawalan ng trabaho ang 11,000 na manggagawa ngayong panahon ng pandemya ay mga kampon ng kadiliman,” boladas ni Babao.
Para pa sa mamamahayag, maaari naman daw gawan ng paraan ang mga isyung kinakaharap ng kanilang istasyon.

“Lahat ng mga issues na lumalabas laban sa ABS-CBN ay pwedeng solusyunan ng mga bagong patakaran at pag-uusap pero ang pagkawala ng hanapbuhay ng 11,000 na manggagawa sa panahon ng pandemya ay hindi talaga katanggap-tanggap,” patutsada pa ni Babao.
Sa isa pang hiwalay na social media post, sinabi ni Babao na hindi nila trabaho na magpaligaya ng mga taong kanilang iniuulat.
“Gusto ko lang linawin sa mga kabataan na ang mga journalist ay hindi PR practioners. Trabaho naming maging patas sa pagbabalita pero hindi namin obligasyong magpaligaya ng taong ibinabalita namin,” dagdag ni Babao.
SPONSORED BY:
Ang Kapamilya network ay nahaharap sa masalimuot na krisis sa kanilang prangkisa. Magugunita na noong unang bahagi ng Mayo ay ipinag-utos ng National Telecommunication Commission (NTC) na huminto ang ABS-CBN sa pag-ere dahil sa paso nitong prangkisa. Kamakailan lang ay nagbigay na rina ng NTC ng direktiba para pahintuin ang mga programa ng ABS-CBN na lumabs sa TV Plus at Sky Direct.

Source: Julius Babao | Julius Babao | Julius Babao

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

1 comments:

Unknown said...

Tsk tsk tsk....