Thursday, July 9, 2020

Inalok ng P200 Million? Cong Yap, Hinimok na Bumoto pabor sa ABS-CBN Franchise!

Isang matinding pagbubunyag ang inilahad ni ACT-CIS partlist representative Eric Yap ngayong umaga. Ayon sa kongresista, may nagpakilala daw na emisaryo ng ABS-CBN sa kanya at nag-alok ng P200 million para bumoto pabor sa franchise bill ng Kapamilya network.
SPONSORED BY:

“STATEMENT OF ACT CIS Partylist Cong. Eric Go Yap
In the last 24 hours alone, ang dami ko ng nabasa na mga artikulo sa pahayagan at social media tungkol sa iba’t ibang balita tungkol sa nalalapit na botohan para sa franchise ng ABS-CBN.
Press freedom is alive but it is also the responsibilty of our journalists to deliver the truth. May nabasa akong pinagtutulungan daw i-pressure ang ating mga kasamahan para bumoto laban sa ABSCBN pero puro paratang lang ang laman at walang credible source. Meron pang listahan na nilabas na boto daw ng mga Kongresista kahit na malinaw na malinaw na wala pang nangyayaring botohan. Why use unverified information? Do not mislead the public.
SPONSORED BY:
More than two weeks ago, may tumawag sa atin, nagpakilalang emisaryo ng ABS CBN at hinihimok tayong bumoto pabor sa ABS CBN kapalit ng 200 Million pesos. Simple lang ang sagot ko, hindi for sale ang prinsipyo at boto ko. Nilabas ko ba sa media? Hindi. Dahil hindi tayo sigurado kung emisaryo nga ng ABS CBN yun at unfair naman na malalagay sa alanganin ang pangalan ng ABS CBN dahil sa kanya at unfair din maging sa proceedings ng Joint Committee na tumatalakay sa issue ng prangkisa nila. May nadinig tayo na iba pang kaso gaya nito pero hindi natin nilabas dahil hindi din verified ang mga information na yun.
Buhay na buhay ang press freedom sa bansa hanggang sa puntong inaabuso na ito para sa pansariling interest ng iilan. Marami tayong kaibigan sa media na balanse at mataas ang antas at integridad ng pagsusulat at pagbabalita. Pero sadyang may iilan na mas matimbang ang pagiging bias at walang pakialam kung tama ang laman ng balita. Do not mislead the public. They deserve to know the truth.”

Source: News5 | Thinking Pinoy

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: