Kahit na pirmado na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Anti-Terror Law hindi pa rin napigilan ang mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) na maghasik ng lagim.
Base sa ilang ulat, isang sundalo ang naging biktima ng kahayupan ng mga rebeldeng komunista sa Motiong, Samar.
Ang sundalong hindi pa pinapangalanan ay brutal na pinatay ng mga hinihinalang NPA. Ayon sa tagapagsalita ng 8th Infantry Division ng Philippine Army na si Captain Reynaldo Aragones, binaril, tinaga at sinunog pa raw ang labi ng sundalo.
Base sa mga nakalap na impormasyon, nakasakay sa motorsiklo ang sundalo at kamasa nito para pumunta sa community support program nang harangin ito ng mga diumano’y NPA.
Kinundina naman ng Sentrong Alyansa ng mga Mamamayan para sa Bayan (SAMBAYANAN) Eastern Visayas Regional Chapter ang karasahan ng NPA. Wala na rin daw pinagkaiba ang mga ito sa Abu Sayyaf Group dahil sa ginawa nila sa katawan ng kanilang biktima.
“It is satanic, barbaric and highly inhuman to desecrate the body of a dead man by chopping it off and burning. It is a violation of the International Humanitarian Law,” sabi ng SAMBAYANAN Eastern Visayas.
Magugunita na may ilang artista ang nagsalita laban sa anti-terror law. Ilan sa mga ito ay si Dingdong Dantes na naturingan pa namang army reservist.
“Sadly, the Anti-Terrorism Bill is also causing fear—fear from abuse of power because of uncertainties and lack of dialogue. It is unfortunate that instead of uniting the people during these difficult times, the bill is dividing us. We must remember that the bill must yield the greatest net benefit to the people… I am a reservist. Isang karangalan at tungkulin ang tumulong sa pangangalaga ng kaayusan at kapayapaan ng bansa. I am also a family man. Sa abot ng aking kakayahan ay sinisiguro kong ligtas, malusog at masaya ang aking pamilya… But I am an artist too. Hindi lang ito trabaho para sa akin. Isang responsibilidad ang magbahagi ng mga kwentong repleksyon ng ating realidad—masaya man o malungkot,” boladas ni Dantes.
0 comments:
Post a Comment