Wednesday, July 1, 2020

Klownz at Zirkoh comedy bars ni Allan K, tuluyan nang isinara

Tuluyan nang magsasara ang comedy bars na pag-aari ng comedian-TV host na si Allan K.

Nagdesisyon si Allan K. na magdeklara ng bankruptcy at isara ang kanyang comedy bars na Klownz at Zirkoh.

Wala kasing katiyakan kung kailan magiging normal ang takbo ng buhay ng mga tao at ng mga negosyong labis na naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Labing-walong taon ding tumagal ang operasyon ng Klownz sa Quezon Avenue, Quezon City.

Labing-anim na taon namang namayagpag ang Zirkoh sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Kahapon, June 29, isang meeting ang ipinatawag ni Allan at ng Zirkoh-Klownz general manager na si Lito Alejandria.
Sinabi nila sa kanilang mga empleyado ang malungkot na balita.

Napaiyak ang staff at ang mga stand-up comedians ng Zirkoh at Klownz.

Bukod kasi sa masakit na katotohanang mawawalan sila ng trabaho, napamahal na sa kanila ang pinaglilingkurang kompanya.

Ang isara ang Klownz at Zirkoh ang pinakapraktikal na desisyon ni Allan dahil, kahit sarado ang kanyang mga comedy bars, patuloy ang pagbabayad nila ng renta.

Wala rin kasiguraduhan ang muling pagbubukas ng kanyang mga negosyo dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa ating bansa.

Magiging normal lamang muli ang pamumuhay ng lahat kapag may mas matinding gawin ang gobyerno ngayon o kapag may vaccine nang matuklasan para sa coronavirus.

Nagpadala sina Allan at Lito ng sulat sa kanilang mga empleyado bilang opisyal na pahayag tungkol sa pagsasara ng Zirkoh at Klownz.

Ito ang nilalaman ng sulat:

"We regret to inform you that our company, Klownz Comedy Bar Inc., is facing a tremendous economic financial loss brought about by the Corona Virus 19 Pandemic in the Philippines.

"And because of this unprecedented uncertainty, our overhead expenses cannot be met, that is the reason that the company resorted to closure effective July 29, 2020.
"As much as we want to give you the statutory separation pay as provided by the law, the company can no longer afford the same as we are now in the verge of bankruptcy and we do not have enough funds to pay the same.

"We can only offer the following compensations:

"1.Unpaid salary

"2.13th Month Pay (Prorata)

"3.Cash assistance from the company.

"You are no longer required to work on July 29, 2020.

"Thank you and we appreciate the service you have rendered to the company."

Source: Jojo Gabinete


SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: