Wednesday, July 22, 2020

'Mag-Rally kayo laban sa ABS-CBN Owners!' Journalist Mike Abe sa mga Artista at Empleyado ng Kapamilya Network

Nitong nakaraang araw ay nagsagawa ng rally at noise barrage ang mga empleyado at artista ng ABS-CBN matapos hindi sila bigyan ng prangkisa ng kongreso. Sa nasabing pagtitipon ay dumalo pa ang mga kilalang bituin ng Kapmilya network, isa dito ay si Angel Locsin.
Pero para sa journalist na si Mike Abe, walang saysay ang ginagawang rally ng mga artista at empleyado ng istasyon.
SPONSORED BY:

“Kung magra-rally kayo ng 2 taon, simula noong nakaraang araw, aba eh mag-rally kayo laban sa may-ari ng inyong company, kasi sila ang pinag-umpisahan ng problema. Hindi ang kongreso, hindi ang batas, hindi ang Malacañang o kung sinong politiko. Dahil bumase ang kongreso sa pinakitang dokumento at pag-amin o pag harap sa hearing,” sabi ni Abe.
Ipinaliwanag din ni Abe ang proseso sa ng pagbibigay ng kongreso ng prangkisa at bakit napaka-imposibleng mabigyan pa ng prangkisa ang media network.

“Hindi kayo puwede ibalik ngayong taon at next year. Dahil ang kalakaran sa kongreso at paggawa ng batas, ang isang panukalang batas ‘pag ni-reject ng kongreso ay hindi na puwede i-refile. Hindi na pwedeng pag-usapan ng kasalukuyang congress… Ire-refile mo iyan sa next congress, at ang next congress ay sa 19th congress sa 2022. Kung magra-rally kayo, aba mahahaba ito,” banat ni Abe.
Magugunita na ibinasura ng kongreso ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa nitong gitnang bahagi ng Hulyo. Ilan sa mga nakitang rason ng mga mambabatas ay ang kuwestiyonableng labor practices ng istasyon, tax avoidance scheme, dual citizenship ni ABS-CBN chairman emeritus Gabby Lopez III at ang paraan ng pag-uulat ng balita ng media company.

SPONSORED BY:


Source: SMNI

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: