Sunday, September 13, 2020

Ayaw Kundinahin ang NPA? Zarate, Hindi Kumasa sa Hamon ng Malacañang

 


Naging laman ng balita nitong nagdaang araw ang ginagawang pang-iipit ng mga makakaliwang kongresista sa budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO). Umaalma kasi sila sa mga social media posts ng isa sa mga opisyal ng ahensiya. Ayon sa mga leftist congressmen, red tagging daw ang mga opinyon ni Usec. Lorraine Badoy sa laban sa kanila.

Kaya hinamon ni Badoy ang mga kongresista na kundinahin ang mga kabalastugan atkabalbalan ng New People’s Army (NPA) at tatanggalin daw niya ang mga nasabing social media posts.

SPONSORED BY:

“Sa mga Representanteng France Castro, Rep Carlos Zarate, Ferdinand Gaite, Arlene Brosas, Sarah Elago, Eufemia Cullamat,

Ako ay magbibitiw, katulad ng hiling nyo, bilang Undersecretary ng Presidential Communications Operations Office sa apat na kondisyon:

1. Hayagang kondenahin ninyo ang lahat na karahasan na ginawa ng CPP NPA NDF sa ating mga kababayan sa pangunguna ni Jose Maria Sison at ang pamunuan ng Central Committee na sabi nyo hindi kayo kasapi, tulad ng mga sumusunod:

a. Ang Rano Massacre (aka Digos Massacre) kung saan 39 na mga kapatid nating katutubo ay pinagpapaslang ng mga NPA habang nagsisimba sila nung June 25, 1989. Mga walang kalaban-laban pinagbabaril: mga batang paslit- may isang taong gulang, mga babae- may buntis, mga matatanda, wala ni isa sa kanila armado. Mga pinugutan ng ulo. At ang atraso lang nila ay naglakas loob silang ideklara na hindi na nila tatanggapin ang pangongotong ng mga teroristang ito at hinihindian nila ang marahas na idolohiya ng NPA at gusto lang nila mamuhay ng tahimik.

b. Ang Plaza Miranda bombing nung August 21, 1971 kung saan siyam ang napatay at 95 ang nasugatan ng malubha.

c. Ang Inopacan Massacre kung saan ang sarili mismo nilang mga kasapi ay pinagpapatay ng CPP NPA NDF.

d. Ang lampas dalawang libong pinatay ng CPP NPA NDF bilang paglilinis sa sarili nilang hanay o internal purging 1985- 1991 na inamin ng CPP NPA NDF.

e. Ang libo libong mga kabataan na nalinlang maging NPA at nakipaglaban sa gobyerno at ngayon ay patay na. Nakitil ang mga buhay nila bago pa man lang ito nagsimula.

f. Ang pagrerecruit ng libo libong mga kabataan na nasayang ang mga buhay dahil nalokong ibigay ang oras at pagod sa isang huwad na rebolusyon at hindi na nakapag aral na ngayon ay sising sisi sa desisyon nilang yan.

g. Ang pagpaslang ng libo libong tribal leaders ng ating mga indigenous peoples na hanggang ngayon ay tuloy tuloy pang nangyayari halos araw araw.

h. Ang marahas na pagpapaslang ng ating mga kapatid na katutubo. Hindi na mabilang sa tagal ng panahon na ginawa ng CPP NPA NDF -lampas limang dekada- at patago na pinagpapatay na para lang mga hayop.

i. Ang pananakot sa mga kapatid nating katutubo na kinikikilan ng pagkain at kakarampot na pera meron sila kahit na alam nilang nagugutom at hirap na hirap sa buhay ang mga ito.

j. Ang namatay na apat na buwang sanggol sa Talakag, Bukidnon Nov 2017 dahil sa pag ambush ng police car ng PNP.

k. Ang panggagahasa sa ating mga katutubong kababaihan at kalalakihan- karamihan mga menor- na nangyayari sa mga skwelang itinayo ng CPP NPA NDF tulad ng mga Salugpungan Schools/MISFI.

l. Ang panlilinlang sa mga kapatid nating katutubo na magtatayo daw ng skwela para sa mga anak nilang paslit na yun pala ay mga terrorist training camps na kung saan tinuturuan ang mga anak nila pumatay ng kapwa Pilipino. At sa napakamura nilang edad.

m. Ang pagtarget ng UP, PUP at marami pang skwelahan sa pagwasak ng puso’t isipan ng mga anak natin sa pagradicalize sa kanila at paglagay ng matinding pagkamuhi sa mga puso’t isipan nila.

n. Ang pagpaslang ng hindi na mabilang na mga sundalo natin sa lampas limang dekada na pananabotahe sa ating bansa.

o. Ang paninira ng government at private property na umabot na sa bilyon ang halaga sa tagal at dami ng mga pinagsisira ng CPP NPA NDF.

SPONSORED BY:

p. Ang pangingikil sa mga negosyanteng ang hangarin lang ay kumita ng maayos para sa kani kanilang mga pamilya.

q. Ang pagyurak sa bansa natin ng mga teroristang CPP NPA NDF. Isang bansa na kilala sa kagandahan ng puso, kasipagan, pagkabukas-palad sa kapwa. Karapat-dapat tayo na mamuhay sa isang bansang progresibo at mapayapa. Hindi itong kaban ng dalamhati ng ginawa ng mga teroristang CPP NPA NDF sa ating bansa.

r. Ang pagsira ng imahe ng ating bansa sa mundo sa mga kasinungalingang ipinaabot sa UN, EU, US para makalikom ng perang iginagamit para ifund ang terorismo at kahirapan sa ating bansa.

s. Ang tuloy tuloy na panununog, pagbobomba at pagwasak ng heavy equipment ng civilian projects na umaabot na sa 100 billion ang pinsala sa loob ng sampung taon. Isama nyo pa dyan ang libo libong nawalan ng trabaho dahil sa paninira na yan.

t. Pagsira sa ating ekonomiya ng teroristang CPP NPA NDF o economic sabotage.

s. Ang pagpatay sa mga sundalong nagdadala ng SAP sa mga kapatid nating nasa liblib.

2. Isapubliko ninyo ang pagkondena na ito sa mga karahasan ng CPP NPA NDF bilang patunay na hindi kayo CPP NPA NDF.

3. Mangangakong magmula ngayon, maninindigan kayo kasama ng gobyerno at bayan at magtatrabaho kayo para mawala na ang salot at pahirap sa bayan natin na CPP NPA NDF.

4 Manawagan na magsurrender sila Joma Sison at mga kasama nila na may mga warrants of arrest at harapin ang mga kaso nila dito. Tutal ang sabi nyo wala naman kayong koneksyon sa founder ng teroristang CPP NPA NDF.
Mga ma’ams at sirs, pag ginawa nyo yan, agaran akong hihingi ng paumanhin sa inyo at ihahayag ko sa publiko na nagkamali ako sa pagbintang na mga high ranking party members kayo ng CPP NPA NDF.

At tatanggalin ko ang mga posts ko na inaakusahan ko kayo na mga high ranking party members kayo ng teroristang CPP NPA NDF.

SPONSORED BY:

At wala pang isang minuto na ginawa nyo yan, iaabot ko ang sulat ng pagbibitiw ko sa aking appointing officer, ang ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, bilang Undersecretary ng Presidential Communications Operations Office.
Para sa Bayan.”
sabi ni Badoy.

Ang NPA ay ang armed wing ng Communist Party of the Philippines (CPP). Ilan sa mga kabalbalan ng mga NPA ay ang pangingikil sa mga negosyante at kapag hindi nabigyan ng pera ay manununog ng mga ari-arian. Minsan pa ay pinapatay pa nila ang mga hindi nagbibigay ng revolutionary taxes sa knaila.

Hindi naman kumasa si Bayan Muna Congressman Carlos Zarate sa hamon ni Badoy. Ayon kay Zarate , hindi daw nila palalampasin ang mga ginagawa ni Badoy.

“She’s not in the position to make demands. Gusto lang niya i-divert ‘yung issue. We will not take this sitting down. “Di natin mapapalagpas ‘yan because she’s putting lives in danger,” boladas ni Zarate.

Source: News5 | Usec. Lorraine Badoy



SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: