Thursday, September 24, 2020

Gabriela Member na NPA din, TODAS sa Engkuwentro Kontra Militar!

 


Kinumpirma ng kasundaluhan ang pagkakakilanlan ng isang babaeng nasawi sa bakbakan sa pagitan ng militar at ng New People’s Army (NPA) sa Occidental Mindoro.

Ayon kay Fourth Infantry Battalion, 203rd Infantry Brigade Commander Lt. Col. Alexander Arbolado , nakilala ang napaslang na si Justine Ella Vargas aka Star.

Base sa imbestigasyon, si Vargas ay medic ng NPA. Miyembro din daw ito ng mga leftist organization na Gabriela at Pambansang Lakaw ng Kilusang Mamamalakayang Pilipinas (Pamalakaya)-Palawan.

SPONSORED BY:

Ayon sa militar, natagpuan ang katawan ni Vargas matapos ang engkuwentro noong Sept. 14. Nakuha din ng militar mula sa bangkay ni Vargas ang mga medical paraphernalia na magagamit sa mga minor surgeries.

“May natanggap kaming report noon na mayroon daw mga armadong grupo-dalawang lalaki at dalawang babae na nakikituloy, himihingi ng tubig, pagkain at makikitulog na rin kaya napilitan ang caretaker… After a few minutes, doon na, may lumabas na nga na mga armado at doon nagkaputukan, nagkahabulan, nakita natin na mga duguan ‘yong tatlo pa,” he said.

When the smoke cleared, Arbolado said the troops discovered the body of a woman, who had gunshot wounds, as well as a firearm… Napaputok na yung armas, its either sya or mga kasamahan niya. Hindi namin sya kilala , then late that night may tumawag kay mayor na nagpakilala na sila ang parents ni Justine, doon palang namin nalaman kung sino sya at na taga Palawan pala sya,” paglalahad ng army official.

Source: Manila Bulletin | Palawan News | National Task Force to End Local Communist Armed Conflict



SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: