Pinutakte ng mga media ang kaso ni Reina Mae Nasino, ang aktibista na inaresto noong 2019 dahil sa illegal possession of firearms and explosives.
Si Nasino ay nakapiit pero pinayagan ng korte na bumisita sa burol at libing ng kanyang pumanaw na sanggol.
Ang istorya ni Nasino ay talagang tinutukan ng news organizations. Isa sa mga inaangguluhan ng ilang media ay ang pagmumukhang api ni Nasino dahil todo ang pagbabantay dito ng mga alagad ng batas.
Ilang kilalang personalidad na rin ang nagbigay ng opinyon pabor kay Nsino. Ilan dito ay ang ABS-CBN actress na si Anne Curtis at news anchor na si Karen Davila.
Ang trato ng media sa kaso ni Nasino ay ibang-iba kumpara sa nangyari sa isang ginang na namatayan din ng sanggol dahil sa pananambang ng mga New Poeple’s Army (NPA) noong 2017. Isang 4 na buwan na sanggol kasi ang napatay ng NPA noong nagsagawa ang mga rebeldeng komunista ng ambush laban sa kapulisan.
Kapansin na pansin na mas maraming news articles ang tungkol kay Nasino kumpara sa pobreng sanggol na nabiktima ng NPA.
Magugunita na sa isang senate hearing ay isiniwalat ng dating student activist / New People’s Army member na si Agnes Reano na napapasok ng mga leftist ang mass media. Isa daw sa malaking ebidensiya ay siya mismo.
“I want to ask for an apology to the media sector. Mayroon din sa inyo na (kasali sa leftist movement). Hindi ako magmumura pero mayroon din sa inyo. Ako po ang kongkretong batayan. Nilubog nila ako sa lungsod ng Lucena para maging announcer sa DWLQ, radyo serbisyo, pag-aari ni Danding Cojuangco, pagkatapos namin atakehin at pasabugin ang tulay sa Camarines Sur… inilubog nila ako… i-raid namin ang kumprada pero binintang namin sa 56 infantry brigade and the people believe everything and swallow everything hook, line, and sinke,” pahayag ni Reano sa senado.
Source: Interaksyon
0 comments:
Post a Comment