Thursday, October 22, 2020

May Kasamang NPA!? Sarah Elago, Kasama sa Pagtatanghal ng mga Leftist Groups!

 


Binunyag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang isang video kung saan makikita si Kabataan Partylist Representative Sarah Elago na kasali sa pagtatanghal ng mga youth leftist groups.

Sa nasabing pagtatanghal, ipinapakita ang mga aktibidades na pinaggagagawa ng mga makakaliwa. Pero isa sa mga kapansin-pansin sa video ay ang tagpo kung saan ipinapakita ang ilang kalalakihan na may hawak na baril at may markang New People’s Army (NPA) ang damit. Sa isa pang yugto sa naturang pagtatanghal ay isinisigaw ang “CPP-NPA-NDF”. Ipinakilala rin sa pagtatanghal ang mga lider ng iba’t-ibang left-leaning youth organizations.

SPONSORED BY:

Ang NPA ay itinuturing na terorista ng gobyerno. Maging ang ilang bansa ay binansagan din na terorista ang nasabing grupo.


“Isang pagtatanghal para sa ika-limampung anibersaryo ng Kabataang Makabayan noong taong 2014 ang masasaksihan kung saan tahasang ipinakita ang konektiba ng mga iba’t ibang aktibistang grupo tulad ng Anakbayan, League of Filipino Students, College Editors Guild of the Philippines, National Union of Students of the Philippines, Kabataan Party-list, National Network of Agrarian Reform Advocates-Youth, at Karatula (Kabataang Artista Para sa Tunay na Kalayaan) sa teroristang Communist Party of the Philppines-New People’s Army-National Democratic Front.

Masasaksihan din ang pagharap ng iba’t ibang kabataang pinuno ng bawat aktibistang organisasyon, kabilang na si Congresswoman at KABATAAN PARTYLIST Representative Sarah Jane Elago, na siya namang ni-representa ang National Union Students in the Philippines. Ngunit, patuloy ang pagtanggi ng kasalukuyang representante ng Kabataan Partylist sa kaniyang koneksyon sa teroristang grupo.

Ang Kabataang Makabayan ay isang underground organization ng mga iba’t ibang kabataan na aktibistang organisasyon na kasapi ng CPP NPA NDF, na siyang nagsusulong at sumusuporta sa marahas at bayolenteng armadong pakikibaka at rebolusyon.”

SPONSORED BY:

Source: NTF – ELCAC



SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: