Sa kaniyang public address ngayong gabi ay binanatan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga makakaliwang kongresista. Ayon sa Presidente, hindi nire-red-tag ng gobyerno ang mga leftist groups kundi kinikilala daw ng pamahalaan ang mga ito. Hinamon pa ni Pangulong Duterte si Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison ng debate.
“Itong mga legal fronts ng komunista, lahat ‘yan, Makabayan, Bayan, they are all legal fronts, Gabriela… Ilang tao na na galing doon sa inyong kampo, openly have attacked you, not only criticized, for your sheer brutality in this communal war… Communal war ito, there is no longer an ideology. Komunista ito, wala nang ideology…Gusto lang nila umagaw ng gobyerno. Mga bobo naman ang p*t*ng*n*. Sinong bright, si Sison? Iharap mo sa akin magdebate kami. Anong nakuha mo diyan sa ideology na communism?… You are accusing us of red-tagging you. No. The Armed Forces of the Philippines is very correct. You are being identified as being members of the Communist (Party of the Philippines). Alam namin. ‘Yun ang totoo. Hindi red-tagging,” banat ni Pangulong Duterte.
Itinuon din ni Pangulong Duterte ang buwelta niya kay Bayan Muna Congressman at Makabayan Bloc member Carlos Zarate. Hhinalintulad pa ng Presdiente ang mambabatas sa dumi ng hayop.
“Alam mo sa totoo, Zarate, kapag nakita kita sa TV, para akong nakakita ng t** ng iro (dog). Para akong nakakita ng t** ng aso, sa totoo lang… Alam mo, sasabihin ko. Nangangailangan ka ng pera. That’s the only reason. Komunista ka to defend an oligarch. Di ka naman summa cum laude, pareho naman tayong pumasa ng Bar. Kung magsalita ka, you make it appear that we are milking the government… You are co-conspirators. Komunista ka. Matagal na. Alam ko kasi alam ko. Mayor ako ng Davao noon, nagkikita kita tayo,” resbak ni Pangulong Duterte.
SOurce: ABS-CBN
0 comments:
Post a Comment