Sunday, November 29, 2020

Anak ni Bayan Muna Rep. Cullamat, Patay sa Barilan ng NPA at Militar!

 


Tigok ang inabot ni Jevilyn Campos Cullamat, anak ni Bayan Muna Representative Eufemia Campos Cullamat, nang makasagupa nito ang mga tropa ng special forces ng gobyerno sa Surigao Del Sur ngayong Linggo lang.

SPONSORED BY:

Ayon sa impormasyon na ibinahagi ng special forces, namatay si Cullamat sa 45-minutong bakbakan. Kinumpirma naman ng mga dating rebelde na si Jevilyn nga ang nasawi. Si Jevilyn ay nagsisilbing medic para sa New People’s Army (NPA) – Sandatahang Yunit Pampropaganda Platoon of the Guerilla Front 19, Northeastern Regional Committee (NEMRC).

Nakuha sa pinangyarihan ng bakbakan ang mga matataas na kalibre ng baril at mga communist propaganda materials.

“The CSP teams’ deployment, local government and civilian collaboration to reach and bring public service in the conflict-affected areas greatly countered their recruitment and resource generation making them hungry, exhausted and their morale low. We encourage the remaining CNTs to surrender. Don’t wait for the E-CLIP and the opportunity to peacefully surrender close its doors for you,” Lieutenant Colonel Joey Baybayan.

SPONSORED BY:

Pero imbes na mahiya na naging parte ng rebeldeng komunista ang anak, pinagmalaki pa ni Rep. Cullamat ang ginawa ni Jevilyn.

“Si Jevilyn ay nasa wastong gulang na at kaya niyang magdesisyon para sa kaniyang sarili. Naniniwala ako na makatwiran ang kaniyang ipinaglalaban pero ibang porma ang kanyang pinili para mapigilan ang pambubusabos sa aming mga lumad at katutubo at para magkaroon din ng makaturangang lipunan… Walang kapantay ang aking dalamhati sa pagpatay ng militar sa aking anak na si Jevilyn. Dumagdag ang dugo ng aking anak sa libong kalumaran na nagpatak ng dugo sa lupa para sa kalayaan at laban sa historikong pang-aapi sa aming hanay,” boladas ni Cullamat.

Source: GMA News



SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: