Hindi umubra kay Lt. General Parlade ang testimonya ni Kabataan Partyliast Representative Sarah Elago sa senate hearing ukol sa red-tagging.
Buwelta ng heneral, dinaan pa daw ni Elago sa drama ang mga boladas nito. Tinawag din ng heneral na sinungaling ang Makabayan Bloc na ibabibilangan ni Elago.
“Mga KAMATAYAN BLOC nagpakita sa Senado upang magsinungaling lang. Nakiusap pa kayo na mag-absent ako bilang kondisyon para kayo ay magpakita sa Senado subalit wala kayong masabi tungkol sa mga isiniwalat ng mga dating rebelde ng nakaraang inquiry. Pa suspense pa kayo sa hindi pagsipot pero wala naman kayong masabi tungkol sa sinabi ng witnesses na kinasangkutan ninyo sa mga plenum ng CPP at NPA tuwing anibersaryo nila.
Dinaan pa ni Rep. Sara Elago sa pa drama-drama. Pinagmalaki nyo pa ang mga rebeldeng nakaukit ang mga pangalan sa Bantayog ng Kagitingan tulad ni Barros na Gabriela member na nag-NPA. Sinama pa si Maita Gomez na nagrebelde tulad ng napakadami pang miyembro ng Gabriela. Pakinggan kamo ang boses ng mga kabataan na ang isinisigaw ay ibagsak ang gobyerno? Na sumali na sa hukbo ng NPA? Matino bang pag-iisip yan ng kabataan na sinasabing nagmamahal sa bayan? Gising Elago, gusto mo pala ng dayalogo subalit hindi nyo ako matanggap sa inyong Forum sa paksang Criminalizing Dissent; Weaponizing the Law, gayong nag-iisa ako at mahigit mga isang daan kayo, kasama ang buong KAMATAYAN BLOC. Mga plastic. Ilang paghamon na sa debate ang ipinalabas namin pero ni hindi kayo makaharap. Maliwanag na ang gusto nyo ay sigawan sa kalsada at madugong pakikibaka. Ngayon, ikaw ang paiyak-iyak at nangangamba sa panganib sa buhay? Mga dating rebelde ang nag red-tag sa inyo upang makatulong sa pagpapaliwanag sa sambayanan kung papaano ninyo pinasok ang hanay ng kabataan upang hikayating sumali sa Hukbo. Buhay nila ang totoong nanganganib sa NPA dahil sa pagsiwalat nila sa mga impormasyon na ito.” resbak ni Lt. General Paralde.
Ito po ang bahagi ng testimonya ni Elago sa seando na binira ni Lt. General Paralde. Kulang na lang ay lagyan ng dramatic background music para mapagkamalang episode ng programang “Maalaala mo Kaya”.
Source: Lt. General Parlade | Senate Philippines
0 comments:
Post a Comment