Monday, July 11, 2022

DSWD Relief Goods, "Di Pwede Dumaan sa NGO!" - Sec. Tulfo

 


Nagbigay ng reaksyon si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo sa nag-viral na isyu tungkol sa larawan ng mga DSWD food packs na kasama ng ibang relief goods mula sa Non-Government Organization (NGO) na Angat Buhay na pinamumunuan ni ex-VP Leni Robredo.

SPONSORED BY:

Sa screengrab na ibinahagi ni Tulfo mula sa ulat ng Inquirer, nakasaad na nakipagtulungan ang Angat Buhay Foundation sa Isabela-Quirino Development Council para maipamigay ang kanilang relief goods. Napansin ng mga social media users na may DSWD food packs na katabi ng mga relief goods ng Angat Buhay.

Ayon kay Tulfo, ang mga ayuda na ipinamamahagi ng DSWD ay hindi pwede ipadaan sa mga NGO dail bawal ito sa batas.

“PAGLILINAW…
HINDI PO NAMIMIGAY NG MGA FOOD PACKS AT IBA PANG RELIEF ITEMS ANG DSWD SA MGA NGO PARA IPAMIGAY SA MGA TAO DAHIL ITO PO AY LABAG SA BATAS.
DERECHO PO ANG AMING TULONG SA MGA TAO SA PAMAMAGITAN NG KANILANG MGA LGUs.

BASE SA INISYAL NA IMBESTIGASYON NA ISINAGAWA NG AKING TANGGAPAN SA ISANG LARAWAN NA LUMABAS SA INQUIRER. NET…
TILA ISINAMA DAW NG LOKAL NA PAMAHALAAN ANG DONASYON NG ANGAT BUHAY (nakasakay sa pick-up truck) SA MGA FOOD PACKS NG DSWD SA IISANG WAREHOUSE NG LGU AT KINUHAAN NG LITRATO.
Maraming salamat po,” sabi ni Tulfo.

SPONSORED BY:

Ganito naman ang mababasa mula sa opisyal na Facebook page ng NGO Angat Buhay.

“Angat Buhay is currently monitoring events in Banaue, Ifugao, as we continue to respond to the situation affecting its residents… Families in the municipality have been displaced by mud and water streaming down the mountains due to heavy rains…. Our partner, the Isabela-Quirino Development Council, was the first volunteer group to respond by handing out food packs and cooked meals to affected families… Aside from our volunteers, the Philippine Army through 54 Magilas IB of the 5th Infantry Division is also there to support our volunteer group in terms of logistical needs,” ayon sa Angat Buhay.

Wala pang komento ang Angat Buhay at si ex-VP Robredo sa naging pahayag ni DSWD Secretary Tulfo.



SHARE THIS

Author:

0 comments: