Friday, July 15, 2022

Janno Gibbs sa Supporters ni PBBM: "You are not the Philippines. We all are."

 


Ilang araw bago ang naging ‘trending’ na opinyon niya tungkol sa pagbabayad ng buwis, may panibagong mensahe ang singer-actor na si Janno Gibbs para sa mga masugid na tagasuporta ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.

SPONSORED BY:

Ayon kay Gibbs, matagal na umanong tapos ang eleksyon, kaya’t mas makabubuti raw kung magkakaroon na ng ‘pagkakaisa’ ang bawat mamamayan, kagaya ng panawagang ‘Unity’ ni Pangulong Marcos.

Sa kanyang social media post ay hinikayat ni Gibbs ang mga tagasuporta ni PBBM na huwag na umano silang ituring at tawaging ‘kabilang panig’. Paliwanag ng aktor, anuman daw ang maging tagumpay o kabiguan ng pamahalaan ay ganun din sa bayan. Ang nasabing post ay may caption na ‘#PagkakaisaHindiPagkaisahan’.

“The elections are long over. There are no more sides now. We are all back to being just citizens. After all, the new govt’s victory or failure will be our country’s as well,” saad ni Gibbs sa kanyang Instagram post noong Hulyo 11.

“The call of PBBM is for Unity. So listen to him and stop referring to us as the other side. It seems you think the new govt should only serve those who voted for them,” dagdag pa ng singer-actor.

Sa huli, ipinaalala ni Gibbs na lahat tayo ay pare-parehong mamamayan at bahagi ng bansang Pilipinas.

“You are not the Philippines. We all are,” pagtatapos ni Gibbs.

SPONSORED BY:

Source: Balita, Janno Gibbs Instagram Post



SHARE THIS

Author:

0 comments: