Thursday, November 16, 2023

Basahin: Patay ang 2 pasahero nang pagbabarilin sakay ng bus na bumibiyahe sa Caranglan, Nueva Ecija


 Carranglan, Nueva Ecija - Pinagbabaril ng dalawang armadong lalaki ang dalawang pasahero sa isang bus habang nasa biyahe sa bayan ng Carranglan, Nueva Ecija, noong Miyerkules ng hapon, ayon sa Carranglan Municipal Police Station.

SPONSORED BY:
Sinabi ng pulisya na binabaybay ng bus ang bulubunduking bahagi ng Barangay Minuli nang biglang lapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin ang mga hindi pinangalanang pasahero na nakaupo sa harapan.

Binaril ng mga salarin ang mga biktima ng apat na beses sa ulo at leeg sa "walang dahilan" bago bumaba malapit sa isang ilog sa Barangay Minuli bandang alas-12:50 ng tanghali, na makikita sa isang video na naging viral sa social media.

Agad na nagtungo ang driver ng bus sa Community Police Assistance Center (Compac) sa Barangay Joson, Carranglan, at iniulat ang insidente.

Agad na pinuntahan ng mga operatiba ng Compac ang lugar kung saan bumaba ang mga armadong lalaki sa bus.

Panoorin ang video sa ibaba:

Source : Surigao News Update, Inquirer

SHARE THIS

Author:

0 comments: