Wednesday, December 11, 2019

Lolo na may filariasis, tuloy ang pasada ng tricycle para may pampagamot sa sakit



Viral sa social media ang post ng isang netizen na si Eliejah Judynne Mernilo, kung saan ay ibinahagi nito ang matinding karamdaman ng isang lolo sa Butuan City.

Ang matandang lalaki kasi ay may karamdaman na kung tawagin ay filarisis o mas kilala bilang “elephantiasis”, na ayon sa Department of Health (DOH) ay nakukuha ito sa kagat ng lamok na may taglay na parasitic worms.

Ayon sa uploader, si lolo Antonio Riveral ay patuloy ang pamamasada bilang isang tricycle driver para umano makapagipon ng pera pampagamot sa kanyang karamdaman.

Sa mga larawan at kuhang video ni Eliejah, agaw pansin ang malaking pamamaga ng binti ni Tatay Antonio kung saan ay ilan sa mga sintomas na mayroon nga siyang karamdaman na “elephantiasis”.
Ilan pa sa mga sintomas ng karamdamang ito bukod sa pamamaga ng binti ay maaari din maranasan ang matinding pamamaga ng ari, braso, lagnat at ubo ganun narin ang panginginig ng katawan.

Humingi ng tulong si Eliejah iba nating kababayan na sana ay mabigyan atensyon ang kalagayan ng nakakaawang matanda nang sa ganun ay maipagamot na ito.

Para sa karagdagang impormasyon galing kay Eliejah, si tatay Antonio ay na nakatira sa P-16 Sampaloc, Barangay San Vicente Butuan City.
Dahil sa post ni Eliejah, agad namang umiral ang pagiging matulungin ng mga pinoy at may mga ilan na nagtatanong kung paano siya mabibigyan ng financial na gastusin para matulungan ang matanda.

Thaeubelizu Acenas How to send help po kay tatay? please give us contact info of the family.baka maka hingi dn ako tulong dito sa Laos

LANCE May I know the details para makspag send ng help?

ROY Hi, where can we send donations?

nadine hi!! details on how we can help please, thank youu

odelyn Valin Nigat How po pls send the details of tatay.

SOURCE: www.thedailysentry.net

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: