Wednesday, December 11, 2019

Llikas na sa pamilya Tulfo ang pagiging matulungin sa kapwa at muli nanaman itong pinatunayan ng lalaking anak ni Raffy Tulfo


Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na talaga namang likas na sa pamilya Tulfo ang pagiging matulungin sa kapwa at muli nanaman itong pinatunayan ng lalaking anak ni Raffy Tulfo na si Ralph Tulfo.
Ayon sa kwento ni Ralph, papasok siya sa trabaho ng makita nitong mayroong ginang na tumatawid sa kahabaan ng Timog Avenue habang pasan-pasan nito ang isang matandang babae.

"Sa pagpasok ko sa trabaho habang binabaybay ang kahabaan ng Timog Avenue, may tumawid na Ale na may pasan-pasan na isang matandang babae sa kanyang likod." ayon kay Ralph

Kung kaya naman agad na bumaba si Ralph mula sa sasakyan nito at hindi nagdalawang isip na tulungan ang dalawang babae.

Habang nag-uusap sila ay napagalaman ni Ralph na nanay pala ng ginang ang pasan-pasan nitong 80-anyos na lola.

"Bumaba ako para kausapin sila. Habang kausap ko sila, napag-alaman kung silang dalawa ay mag-ina. Ang Binubuhat ni Aleng Teresa ay ang kanyang ina na si Nanay Teresita na hindi na nakakalakad." Kwento ni Ralph

Kwento ni nanay Teresita, walo (8) ang kanyang anak ngunit may kanya-kanya na itong mga buhay at ang anak na si Teresa nalang ang nag-aalaga sa kanya dahil ito ang malapit sa kanya na bunso nitong anak.

Hirap din umano sa buhay ang ibang anak ni nanay Teresita. Ang isa ay isang parking boy at nangangalakal naman ng basura ang iba.

Dahil sa hirap ng buhay nina nanay Teresita ay hindi nagdalawang isip si Ralph na bilhan ng mga damit, bagong tsinelas at pinakain pa nito sa restuarant.
Hindi pa dito nagtatapos ang ibinahaging tulong ni Ralph dahil ipinamili pa nito ng groceries ang mag-ina para masigurong may makakain ang dalawa.

Tila naging hulog ng langit ang turing ng mag-nanay sa pagsulpot niRalph sa kanila
Bago umuwi ay labis ang pasasalamat ng mag-ina kay Ralph dahil napalaking bagay daw ito para sa kanilang pang araw-araw na buhay.

"Maraming salamat po sa ibinigay nyo saamin, malaking tulong po ito sa nanay ko." ayon kay aleng Teresa.

SOURCE: www.thedailysentry.net

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: