Friday, February 21, 2020

Leni Nilinaw na hindi siya kasama sa grupong nanawagan sa pagbibitiw ni President duterte

Vice President Leni Dumistansiya sa Grupong nagkaisa sa protest action sa february 22 na nanawagan sa pagbaba sa puwesto ni President Duterte.

Ayon kay Leni, Hindi daw siya kabilang sa grupo dahil iba daw ang panawagan nito.

Saad ni VP Leni, bagama’t nanawagan siya kay Pangulong Duterte na gawin niya ang kaniyang trabaho bilang lingkod bayan, hindi nangangahulugang gusto niyang mapatalsik ito sa puwesto. Ngunit nirerespeto naman ni VP Leni ang mga grupo na magkikilos protesta ilang araw bago ang 34th Anniversary EDSA Revolution dahil ginagarantiyahan naman ng Konstitusyon ang kalayaan sa pagpapahayag at pagtitipon tipon. Dagdag pani VP Leni, karapatan ng ibat ibang grupo na idaan sa pagpapahayag ang kanilang mga hinaing para sa pagpapanagot sa mga abuso ng ilang pinuno ng bayan. At ang panawagan naman ni VP Leni ay gawing mapayapa at alinsunod sa rule of law ang gagawing mass protest.
source: [1]

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: