Friday, February 21, 2020

PROTESTA | Miyembro ng mga Media Pumirma ng Petisyon para hindi magsara ang ABS-CBN

Nagsama-sama ang iba’t ibang mamahayag, cameraman at iba pang mga empleyado galing sa iba’t ibang media company dakong 6 ng gabi sa Quezon City para mag Protesta ang naambang pagsasara sa ABS-CBN.

Sa pangunguna ni NUJP Deputy Secretary General Raymund Villanueva. Saad ni Villanueva, karapatan ng mamamayan ang press freedom at may karapatan ang mga ito na malaman ang bawat impormasyon at balita na lalabas.

Paniwala naman ng NUJP, Ginigipit at iniipit ni President DUterte ang mamamahayag sa Pilipinas at ang ABS-CBN. Ayon din sa Grupo nila dapat mabigyan ng Demokrasya ang pag-uulat at pagbahagi ng impormasyon o balita.

Simbolo naman nag Pagprotesta nila ay pagpirma ng mga miyembro ng media sa isang petition na huwag isara ang ABS-CBN bilang sagisag ng kanilang demokrasya o ‘press freedom’. Matatandaan na sinabi ng pangulong kung siya ang pagbibigyan hindi nya i re-renew ang abs-cbn dahil manloloko daw ito.

Facebook Comments
SOURCE: philnewsglobal.info

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: