Ayon kay Vice President Leni Robredo dapat labanan ang pagapang na kadiliman na unti-unting lumalambong sa bansa.
Yan ang naging Pahayag ni VP Leni sa kaniyang talumpati sa Philippines Prospects Conference of the Foreign Correspondents Association of the Philippines sa Makati City.
Ayon kay leni, ang Pilipinas ay kilala sa buong mundo na may malusog na demokrasya.
Ngunit, Nakapaghalal aniya ang sambayanan ng isang pangulo na may authoritarian style ng pagpapatakbo ng gobyerno.
Dapat daw ay sama-samang ipaglaban na maibalik ang Rule of Law.
Dagdag pa ng VP Leni, Marami aniyang mga pamilya ang nawalay sa kanilang mga kaanak dahil sa giyera sa illegal drugs.
Giit naman nito na maibalik ang kasagraduhan ng mga kontrata sa bansa.
Sinabi din nito na ang giyera sa droga ay pinag hahati hati ang lipunan upang kalabanin ang bawat isa.
Panahon na din daw ayon kay Leni na ito ay salungatin ng mga nagmamahal sa demokrasya.
Matatandaan na Ayon kay VP Leni, hindi dapat lalabag sa batas ang hakbang ng gobyerno patungkol sa usapin.
source : [1]
0 comments:
Post a Comment