Monday, March 23, 2020

Additional Powers para Malabanan ni PDU30 ang COVID-19, Kinontra ni Hontiveros!

Para kay Senadora Risa Hontiveros walang rason para bigyan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na karagdagang kapangyarihan para matugunan ang mabilis na pagkalat ng coronavirus disease 2019 (covid-19).

“The proposed grant of additional powers to the executive branch is clearly unnecessary to address the most pressing needs of health workers, COVID-19 patients, and poor Filipinos alike in this critical period,” boladas ng senadora.
Ayon sa senadora, may mga umiiiral na raw na mga batas para mabigyan ng epektibong pamamaraan ang gobyerno na malabanan ang mga krisis.

“Our existing laws already grant government the powers and other necessary tools needed to mount an effective response against COVID-19,” dagdag pa ni Hontiveros.
Hindi na rin dumalo si Senadora Hontiveros sa special session kung saan tatalakayin ang pagbibigay kay Pangulong Duterte ng kapangyarihan para agarang maaksyunan ang covid-19 situation. Ayon sa senadora, sumusunod lang daw siya sa protocol na na inilatag ng Department of Health (DOH).

“I am strictly following health protocol set by the DOH and am currently under self-quarantine set to end by March 25. As part of the Senate Minority, I have asked the Senate President to allow my participation thru teleconferencing,” saad ni Hontiveros.

Magugunita na kahapon ay may ipinadalang panukala ang Malacañang sa kongreso kung saan hinihiling ng ehekutibo na mabigyan si Pangulong Duterteng emergency powers upang matugunan nang banta ng nakakahawang sakit.
Ilan sa mga kapangyarihan na nakasaad sa panukala ay ang pagbibigay otoridad kay Pangulong Duterte na i-take over ang mga business establishments at mga public utilities para mailaan pansamantala para sa mga health workers.
Sa kasalukuyan ay kinansela ng ng administrasyona ng mga klase sa mga paaralan, Nagpatupad na rin ang pamahalaan ng enhance community quarantine sa buong isla ng Luzon. At kamakailan lang ay isinailalim na rin ng gobyerno ang buong Pilipinas sa “State of Calamity”.

Source: GMA News | News5
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: