Lumantad na sa publiko si Dr. Grace Caras-Torres, isa sa mga Medical frontliners na lumalaban sa coronavirus disease (COVID-19). Ayon sa doktora, alam niya daw ang panganib nang sumalang siya bilang frontliner pero ngayon niya lang daw napagtanto na hindi pa siya handang pumanaw.
“Ngayon lang ako natakot. Napaiyak ako. Hindi pa ako handang mamatay,” sabi ni Caras-Torres.
Pinangangambahan ni Dr. Caras-Torres ang kinabukasan ng kanyang mga anak. Ibinahagi din niya ang epekto sa pag-iisip pag nahawaan ng nasabing sakit.
“Kailangan pa ako ng anak ko. Sasabak pa ako sa gyera… Hindi lang pala virus ang kalaban ko, pati katinuan ng pag-iisip,” saad pa ni Caras-Torres.
Sa kanyang social media post, ibinahagi ng doktora kung ano ang naramdaman niya nang nag-umpisa siya dapuan ng sakit.
“Hindi ko akalaing tatamaan ako agad. Nagsisimula pa lang ang gyera nun, casualty na ako. Akala ko chikungunya lang. High grade fevers na paulit- ulit. Kakaibang sakit ng ulo at katawan. Hindi makakain. Saka lang nag-sink in sakin na posibleng Covid nga ito nung malaman kong may symptoms din yung kasama kong mag-opera ilang araw nang nakalipas. Diyos ko po, una kong naisip ang pamilya ko: ang anak kong 4yo, ang parents kong seniors. Inexpose ko sila, ang iyak ko noon. Di bale nang ako, wag lang sila. Nagkulong na ako sa kwarto. Nag-birthday akong nakaquarantine at may sakit na nakamamatay. Buti pala umabot pa ako ng 42. Wala akong choice kundi libangin ang sarili ko sa pagbabasa ng soc med. Ang mga colleagues kong may covid ay naka-intubate. At 4 na nga silang namatay. Akala ko pagaling na ako, bigla akong nagt*e. Sabi sa Wuhan, pag nagkaroon ng GI symptoms, tuluy-tuloy nang pumapangit ang kundisyon… Sana matapos na ito. Sana gumaling na kami. Sana wala nang mamatay. Miss na miss ko na ang anak ko. Ngunit salamat pa din sa lahat ng taong tumulong at nangamusta. Too many to mention. Mahal ko kayo. At Dyos ko, maraming salamat po at buhay pa ako at ok ang pamilya ko.,” kwento pa ng doktora.
0 comments:
Post a Comment