Thursday, March 26, 2020

Senador Koko, Nag-Shopping pa kahit may Sintomas na ng Coronavirus?

Kahapon ay inulan ng batikos si Senador Koko Pimentel matapos na lumabas na sinamahan pa niya ang kanyang asawang manganganak sa ospital kahit na isa na siyang person under investigation (PUI) dahil sa coronavirus disease 2019 (covid-19).

Kinumpirma ng Makati Medical Center na nagtungo nga sa kanilang pagamutan si Senador Pimentel noong gabi ng Marso 24 para samahan ang asawa nito. Dahil sa nangyari, kakailananin ng ospital na i-quarantine ang mga natitira nilang doktor at mga nurses.

Magugunita na noong Marso 14 pa ay nakaranas na raw ng sintomas ng covid-19 si Pimentel.

Ngayong araw ay nagsalita na rin ang isang shopping center matapos umugong ang mga usapan sa social media na nakita si Pimentel na nagsha-shopping sa S & R.

Kinumpirma ng S & R na nagpunta nga sa kanilang pamilihan si Senador Pimentel noong Marso 16, 2020. Nakita ang seandor sa may counter 13 ng shopping center mag aalas-2 ng hapon.
Gumawa na rin daw ng hakbang ang pamunuan ng S & R, Isinailalim na raw sa quarantine ang mga empleyado nit na nakasalamuha ni Senaor Pimentel at nagsagawa na rin daw sila ng disinfections process.

Source: Manila Bulletin
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: