Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador panelo, kailangan sumunod ang mga persons under investigation o monitoring sa patakaran na ipinatutupad ng pamahalaan. Wala raw pinipili sa naturang panuntunan. At ang mga lalabag ay papanagutin sa batas.
“The protocols set by the government for persons under investigation or monitoring must be strictly and absolutely observed by all people falling under the said categories, regardless of their socio-political status. They are not meant to discomfit or burden anyone. They have been established to ensure that public health and safety are secured at all times. There are no exemptions for any person on these health protocols. Those holding high positions in the government are enjoined to set an example to their constituents by strictly observing them… The equal protection clause of the Constitution imposes equal treatment to all. Any transgressor therefore must be dealt with in accordance with law,” sabi ni Sec. Panelo.
Kahapon ay inulan ng batikos si Senador Koko Pimentel matapos lumabas sa social media na sinamahan nito ang asawang manganganak sa ospital kahit na siya ay itinuturing na “person under investigation” kaugnay sa coronavirus.
Naglabas na ng pahayag ang Makati Medical Center at kinumpirma nila na pumasok nga sa delivery room ang senador at nakasalamuha ang kanilang medical practitioners. Dahil sa insidente, kakailanganin nilang i-quarantine ang mga natitira nilang doktor at nurses.
Kanina naman ay naglabas na rin ng pahayag ang shopping center na S & R at sinabing namili sa kanilang establisimiyento si Senador Pimentel noong Marso 16. Gumagawa na raw sila ng disinfection procedure at isinailalim na ang mga empleyado na nakasalamuha ni Pimentel sa quarantine. Sa isang ulat, sinabi ni Pimentel na Marso 14 pa lang ay nakakaranas na ito ng sintomas ng covid-19.
Source: Office of the Presidential Spokesperson
Loading...
0 comments:
Post a Comment