Sunday, March 22, 2020

"Umiyak ako! Nawalan ako ng gana sa life - Coronavirus Patient 15 ng Pinas, Nagsalita na!

Sinalaysay ni PH15 ang kanyang karansan nang dapuan siya ng coronavirus disease 2019 (covid-19). Ayon sa dating pasyente, natanggap niya daw ang resulta ng pagsusulit niya sa covid-19 noong mismong kaarawan niya. Kaya laking lungkot niya nang mag-positibo siya sa sakit.
Inilayo siya pansamantala sa mga tao. At ang tanging pwede makabisita sa kanyan ay mga health workers. Dahil sa nangyari, naapektohan ang kanyang mental health at nawalan daw siya ng gana sa buhay. Madalas din daw siyang umiyak dahil sa sinapit niya. Walong araw din daw siyang na-isolate sa ospital at nakaranas siya ng matinding pagkalungkot habang mag-isa sa ospital.
“Ang daming pumasok sa isipan ko na masasama, na bakit ako out of 105 million FIlipino people. Sobrang nalungkot ako na hindi ko alam ang gagawin ko. Iniisip ko kung gagaling ba ako? Baka mag-develop ako ng other complications sa lungs ko,” sabi ni PH15.

Nagsimula raw niya maransan ang sintomas ng covid-19 noong Pebrero 29. Noong araw na iyon ay nakaranas siya ng hirap sa pagtulog, barado ang ilong, lagnat, pag-ubo, hindi din daw siya makalakad at makaatayo.
Ibinunyag din ni patient 15 na nanggaling siya sa United Arab Emirates.
Ang nakapagpalakas daw ng kanyang dadamin ay ang kanyang mga kaibigan, katrabaho at higit sa lahat pamilya.

“Nagbabasa din ako ng mga news articles regarding sa recoveries sa ibang bansa. Nakatulong siya sa akin mentally. Alam ko na may pag-asa pa pala na hindi siya dead-end sa magpo-positive sa covid-19. odoon ako nag-focus,” saad ni PH15.
Marso 15 nang malaman niya na nag-negatibo na siya sa sakit. Sobrang ginahawa daw ang ng naging pakiramdam niya ng sinabi ito ng doktor sa kanya. Sa ngayon ay tuloy pa rin ang pag-inom ng gamot na inireseta sa kanya ng doktor. Inerekomenda din daw ng doktor na mag 14-day home quarantine siya.

Dagdag pa ni PH15, dapat daw mas mag-alala sa mga nakakatanda at may pre-existing conditions dahil ang mga ito raw ang mas madaling dapuan ng sakit. Nagpasalamat din ang dating pasyente sa mga health workers.

Source: NXT
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: