Saturday, April 11, 2020

Daily COVID-19 Case sa Pinas, Bumabagal na ba?

Viral ngayon ang isang graph kung saan makikita ang mga naitatalang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (covid-19) sa Pilipinas kada araw.
Mapapansin na may bahagi ito na pumalo pa sa 538 confirmed case ang naitala sa isang araw lamang. Pero sa mga sumunod na mga araw ay mapapansin ang pagbaba ng numero.



Ilan sa mga hakbang na ginawa ng gobyerno para malabanan ang mabilis na pagkalat ng sakit ay ang pagpapatupad ng enhance community quarantine sa buong Luzon. Isinailalim din ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Pilipinas sa “State of Calamity” kamakailan lang
Lumabas sa balita kahapon ang naging komento ng World Health Organization (WHO) patungkol sa pagpapatupad ng Duterte Administration ng lockdown sa buong isla ng Luzon. Ayon kay WHO Western Pacific Regional Director Dr. Takeshi Kasai, isa daw ito sa dahilan kung bakit naagapan ang malakihang covid-19 outbreak.



“Philippines, because of the lockdown, we are not experiencing so-called large-scale community outbreak… What’s really important is to try to stay in this stage as much as possible, and if possible, to suppress,” sabi ni Dr. Kasai.

Source: ABS-CBN | CNN Philippines | Archive
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: