Saturday, April 11, 2020

Tumatanggap ng 4Ps, Nahuling Nagsusugal?

Kumalat ng husto sa social media ang video ng isang aleng nagsusugal. Ayon sa kumuha ng video na si Joyce Mance, ang nasabing ginang daw ay benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno. Inakusahan din ni Mance ang ginang na galit umano sa gobyerno at isinasangla ang ATM Card nito para lang makapaglaro ng tong its.

“Galit na Galit kayo sa Gobyerno tapos pag hinuli kayo nagagalit kayo sa Pangulo ng HOA. Grabe ka nman member k ng 4Ps diba tapos sinasanla nyo Atm at ng to TONG ITS ka,” sabi ni Mance.

Mapapanood sa video ang pagtatalo ni Mance at ng ginang. Ang ginang naman ay hindi alintana na kinukunan siya ng video at patuloy pa rin sa paglalaro. Sinabi pa nito kay Mance na “Wala siyang pakialam”.

“Para sa Mamamayan Para sa Bayan. Lalo na sa Sakripisyo ng mga Tax Payers at ng Mahal natin Pangulo His. Excellency Rodrigo Roa Duterte,” dagdag pa ni Mance sa hiwalay na social media post.
Base sa kanyang social media account, si Mance ay empleyado ng Biñan City GOvernment.
Ang video ni Mance ay umani na ng mahigit 1 miyong views at naibahagi na ng lagpas 76,000 beses.



Source: Joyce Mance | Archive | Archive
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: