“What our people need now is empathy not threats,” ani Soberano.
Walang pinangalanan na grupo o indibiduwal si Soberano, ngunit mgugunita na nagbanta kahapon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa mga makakaliwang grupo tulad ng KADAMAY na ginagamit ang coronavirus disease 2019 (covid-19) crisis upang makapaghasik ng kaguluhan.
“Huwag ninyong gamitin ang pwersa. I am addressing the left na ‘yung pambabastos ninyo ‘yung slamming about the distribution. Remember kayong mga left: You are not the government. Naintindihan ninyo ‘yan? Hindi kayo nasa gobyerno and you cannot be a part of what we are planning to do for the nation… Intindihin ninyo ‘yan. Kaya huwag kayong mag gawa ng kalokohan at mag-riot-riot diyan because I will order you detained at bibitawan ko kayo pagkatapos na wala na itong COVID… Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo nung barilan, eh ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate… My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead. Naintindihan ninyo? Patay. Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh ‘di ilibing ko na kayo. Ah ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil,” banta ni Pangulong Duterte sa mga makakaliwa.
Kahapon ay nagsagawa ng rally sa Quzon City ang ilang indibiduwal. Ayon kay Quezon City Task Force Action Officer Rannie Ludovica, ininpluwensiyahan daw ng leftist group na KADAMAY ang mga tao na magsagawa ng rally. Pinalalabas daw na hindi daw binibigyan ang mga tao ng ayuda.
Source: Liza Soberano | Archive | CNN Philippines
Loading...
0 comments:
Post a Comment