Friday, April 3, 2020

'Imbes na sisihin ang Gobyerno, Manalamin muna tayo!' - Mensahe ni Mayor Isko

Sa live coverage ng kanyang public speech, sinabihan ni Manila City Mayor Franciso “Isko Moreno” Domagoso ang mga Pilipino na tignan muna ang mga sarili sa salamin bago sisihin ang mga nagpapatakbo sa gobyerno. Iginiit din ni Mayor Isko na kahit ang mga mayayamang bansa ay hindi rin nakapaghanda sa krisis na dala ng coronavirus disease 2019 (covid-19).


“Tignan niyo ang mga matatayog na bansa, tiklop sila. Tayo pa kaya. Kaya imbes na ituro natin ang ating daliri sa mga tao na iilan sa pamahalaan, siguro maganda naman na manalamin tayo. Tignan natin ang ating sarili sa salamin at tanungin natin ang ating sarili, ano nga ba ang pakikiisa ko na labanan ang kaaway ng lahat, ang covid-19?” sabi ni Mayor Isko.
Nananawagan din siya sa mga Pilipino na huwag pagagamit sa mga panawgan na palitan ang liderato ng bansa.

“Wag po tayong pagagamit sa ilang panawagan diyan, sa ilang sisihan diyan ng mga politiko. Wag po. Walang maitutulong sa inyo ang mga politika ng politiko laban sa covid-19. Ang mananalo lang sa away ng politiko ay kapwa politiko. Palitan man natin ang liderato, walang makakapagbigay ng tamang solusyon sa ating kinakaharap. Maghunos dili tayo. Paulit-ulit kong sinasabi,” dagdag pa ng Punong Lungsod ng Maynila.


Source: Mayor Isko Moreno

Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: