“We will work with interested countries to expand clinical research on Avigan internationally,” sabi ni Motegi.
Magugunita na humiling na ang Department of Health (DOH) sa Japan na mabigyan ng allocation ang Pilipinas ng nasabing gamot.
“The government is trying to ask the government of Japan to allocate Avigan for the Philippines,” sabi ni Health Undersecretary Eric Domingo.
Pinaplano na ni Prime Minister Shinzo Abe na paramihin ng tatlong beses ang nakaimbak na gamot para magamit sa 2 million katao.
Magugunita na inirerekomenda ng gobyerno ng China na gamitin ang Avigan (Generic Name: Favipiravir) para panlaban sa covid-19 infections. Ang gamot ay ginawa pa noong 2014 pero ngayon ay sinubukan laban sa covid-19.
Base sa naging pahayag ni China National Center for Biotechnology Development Zhang Xinmin, naging mabisa ito sa clinical trials. Wala rin daw nakitang obvious side-effects dito.
“It has a high degree of safety and is clearly effective in treatment,” pahayag ni Xinmin.
Ayon naman sa ulat ng Business Insider, isasailalim naman sa pagsusuri ang bakuna kontra-covid-19 ngayon araw. Ito ay gawa ng Inovio Pharmaceuticals at pinondohan ni Bill Gates. Ayon sa longtime leader ng National Institutes of Health’s infectious-disease unit na si Anthony Fauci, kakailanganin ng hindi bababa sa isang taon bago malaman kung ligtas at epektibo ang isang bakuna laban sa sakit.
Source: Kyodo | ABS-CBN | NHK | Nikei | US National Institutes of Health – US National Library of Medicine | LA Times | Business Insider
Loading...
0 comments:
Post a Comment