Sunday, April 5, 2020

'Mayabang na local official, Tumutulong para sa Ambisyon!' Sen. Sotto, may Pinatamaan!

Nag-viral nitong nagdaang araw ang mensahe ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso laban sa ilang senador na hindi umano nakikita sa gitna ng coronavirus disease 2019 (covid-19) crisis. Hinamon pa ng Punong Lungsod ang mga mambabatas na ipakita ang kanilang pagtulong.

“Mga senador, 24 lang kayo. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa Pilipino. Nasaan kayo ngayon? Hinahanap namin kayo. Puro na lang tayo kontra rito, kontra roon, dahil sa mga sinusulong niyong political interest. Wala ba kayong puso? Maswerte kayo dahil pinagpala kayo. Paano ‘yung naghihikaso bago pa man mangyari ang krisis na ito at lalong naghihikaso sa kasalukuyang krisis na ito?” banat ni Mayor Isko.



Naglabas naman ng pahayag si Senate President Vicente “Tito” Sotto. Sa nasabing pahayag, binanatan nito ang ilang indibiduwal na hindi niya na pinangalanan.
“Sang-ayon ako na bawal mamulitika kung kaya’t hinahamon ko lahat ng putiko sa buong bansa lalo na ang mga mayayabang na local official na wag gamitin ang pagtulong sa kanilang mga nasasakupan para sa pansariling ambisyon,” sabi ni Sen. Sotto.

“Our duty as lawmakers is to promptly pass the enabling law so the exec dept can use govt funds to respond during this health crisis. We did so in 18 hrs. it’s not our mandate to repack rice and sardines with a complete PR team around us. Some of us do, WITHOUT the PR team!” dagdag pa ni Sen. Sotto.

Kilala si Mayor Isko na may social media team na nangangasiwa sa communication platform ng Maynila. Dito inilalabas ni Mayor Isko ang mga ginagawa para sa lungsod ng Maynila.
Nagbigay na rin si Senador Lacson ng kanyang opinyon patungkol sa sinabi ni Mayor Isko.

“Yorme, kaya po namamahagi ngayon ang gobyerno ng tulong pinansyal kasama na ang lungsod ng Maynila ay dahil nagpagod at nagpuyat ang mga senador kahit may banta ng COVID-19 para ipasa ang Bayanihan Act. Iyan kasi ang mandato namin. Mali ang paratang ninyo na wala kaming ginagawa,” ani Senador Lacson.

Source: Inquirer | CNN Philippines
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

18 comments:

Art. De Guia said...

Napagod at ñapupuyat ang mga senador na tinamaan sa sinabi ni yorme,ang sinasabi ni yorme tumulong naman kayu na mag donate mag ambag para sa taong bayan.sabi ni eat bulaga senator hindi daw nila trabaho mag repack ang trabaho lng daw nila ay gumagawa ng batas.batas lng sa kanila. Nasa crises tayu ngayon kailangan kumilos naman kayu magpakita ng malasakit mag donate ng konting tulong,hindi namin makain ang puro batas ninyo tama ang batas isangtabi nyu muna mga senador,ang kailangan namin yong lang emergency reponce ninyo nasaan nga ba kayu..sa panahon ngayon gumagawa pa rin ba kayu ng batas kailangan ng taong bayan ang makain.gutom na kami

Unknown said...

Oo alam ko ng mandato sa mga senatongs este senators magbalangkas o mag legislate ng batas, TALAGANG TRABAHO NIYO YAN!!! ang gusto lang ni Yorme tumulong din kayo HINDE BILANG MAMBABATAS kundi ISANG RESPONSABLENG MAMAMAYAN o MAYAYAMAN na meron KAKAYAHAN mamigay ng TULONG gayang PERA O RELIEF GOODS...tangina yun ngang mga di kilala na mamamayan nagbibigay tulong dahil sa kinalalagyan natin ngaun na KRISIS eh... Kung WALA KA NAMAN MAGAGAWA KOMEDYANTENG SENATONG este senador MANAHIMIK KA NA LANG!!!! 😂 😂 😂 3

SunMoonDay said...

Sa lahat ng sinabi ni yorme tama sya. Nasaan sila? Nawawala kc kaya hinahanap
Hindi maramdaman ang tulong.tama naman si sen.lacson na kaya nakakabigay ang gobyerno ngayon kung anuman yun eh sila bumalangkas ng batas..ok tama yun.pero alam naman yun ni yorme. Ang sinasabi ni yorme ay hindi dapat duon sa batas nag tatapos ang kilos.dapat mag bigay din sila bunot bulsa. Wag naman iaasa na lang sa gobyerno na siya na lang lagi ang mag bivay ng tulong.alam kc ni yorme na madami pera mga senador.except sen.lacson kc mula umpisa d yan kukukuha noon ng.porkbarrel.pero ang karamihan ng senators talagang nagkakamal ng malalaking salapi ang mga yan. Like yung mga senators pa dyan time of erap and gloria -noynoy. Ay sagana mga yan.i follow nyo sen. Santiago sa speach nya regarding funds of senators during christmas.ang linaw naman ng mensahe ni yorme. MAGBIGAY NAMAN KAYO.

Anonymous said...

bakit senador soto trabaho ba ni yorme ang mag repack ng relief goods di ba hindi nagpapatupad sya ng batas na ipinasa ninyong mga senador ang ibig lang sabihin ni yorme magparamdam kau at kailangan ng taong bayan ang presenya at tulong financial sa mga pulitikong inilukluk nila sa pwesto. ang hirap kasi sa inyo pansarili lang ang iniingatan ninyo. kala q ba para sa taong bayan kau mukhang pinakikinabangan nyo lang ang taong bayan para sa posisyon ninyo. kaya sa susunod na eleksyon alam na natin na si senador mannny pacquiao at senador bong go lang ang may karapatan para sa pwesto ng pagka senador.

SunMoonDay said...

Erratum: speach = speech

Anonymous said...

Ang kay yorme pang ay tumulong po kayo ng kusa hindi lang sa batas o trabaho na ginagawa nyo galing sa bulsa nyo na mag share share or Patak patak kayo makatulong man lang kayo sa gobyerno pambili ng mga makakain ng ating mga kababayan hindi po sa ambisyon mag kusa po Kayo ilan kayong senador magpatakpatak kayo makabili ng bigas o makakain ang mga kababayan natin sa sobra nyong talino iba kayo magisip. ang gusto lang po nya ipahiwatig o sabihin magtulong tulong po lahat mag ambag sa sariling bulsa ang laki ng sahod at mga ibang kupit nyo sa gobyerno ni singko di kayo makaambag sa sarili nyong bulsa. Di nya sinabi na magrepack kayo means bumunot kayo sa sarili nyong bulsa kusa sa inyo galing Mismo. Trabaho nyo yan mag pasa ng batas at pag aralan natural kahit magpuyat kayo bayad kayo. senador kayo pero pulpol kayo magisip matalino na wala sa hulog negative kayo magisip baka kayo gusto nyo makapwesto puro kayo ngawngaw imbes tumulong kayo sa bulsa nyo galing iasa nyo sa Gobyerno. Mga pilosopo kayo dahil tinamaan kayo kasi totoo yun kayo may Ambisyon sa pwestowala kayo sa hulog mag isip. NEGATIVE kayo imbes na tumulong kayo wala kayo puro kayo payaman advertise ng nga nagawa nyo Now kayo kailangan kumilos kayo mga matatalinong senador. BAWAL JUDGEMENTAL

Gwapito said...

Haynako

Gwapito said...

Pag Election Kita nyo araw Gabi oras oras minuminuto nakikita Ang mga mukha sa TV hihingi ng tulong para I boto kahit gano kamahal babayaran Basta maipalabas lang mga kapal ng mukha at pangako SA TV.kita nyo ILANG minuto lang ipapalabas piro GAGASTO NG ILANG MILYON .

Pero ngayon panahon ng crisis Sana pasukin kayo ni COVID DYAN PARA MAGLABASAN.

Anonymous said...

Ang dami mong satsat sotto, nasa crisis tayo ngayon, ang hinihiling lang tumulong man lang kayo galing sa sarili ninyong bulsa na hindi lahat iasa sa gobyerno na alam nating lahat na d kaya ng gobyerno lang ang problemang ito. Wag lang puro payaman atupagin nyo. Mahiya hiya naman kayo pagdating ng eleksyon dami naman ninyo mga pangako na puro laway lang pag kelangan kayo ng taong mamamayan wala kayo tahimik lang kayo, tapos ngayon kinalampag kayo ni yorme kayo pa ngayon ang galit. Sapul na sapul kayo ano? Kaya galit na galit kayo mga walang silbi sa bayan. Only sen Pacquiao ang may malasakit sa 24 na senador. Lahat ay palitan na sa susunod na halalan��

Unknown said...

Naturingang mga senador kakikitid ng mga utak... Intindihin nyo muna snang maigi bgo kau kumuda at mgkkywkyw... Plibhasa totoo n kurakot kau kya kayo ngrereact eh.

Unknown said...

Ung mgs conggresman bkit kumasa? Ibngay ang sweldo nila? Kc nasakyan nila ang panawagan ni yorme isko.

Anonymous said...

Sana naman huwag magbangayan at gawing big issue. Both arguments ay valid naman ayon sa mandate ng batas sa line of work nila.

Anonymous said...

Tinamaan kya umaray c sotto at lacson,bkit c pacman my nggwa,ksama rin nman s senado

Anonymous said...

pasalamat tayu dahil ginawa nyo po naipasa ang bayanihan act..salamat sa tulong mga senador,pero sana naman kau mga mayayaman na limpak limpak ang salapi,bawasan nyo nmn para sa mga nangangailangan ngayun..yan ang punto ng mga mahihirap ang tumolong kau,bata lang ang di na niniwala na halos lahat ng senador nakakulimbat ng pera mula noon paman,aminin nyo man o hindi

Unknown said...

Yun ang mahi2rap sa mga tao ,kung d mgpa2rinig d kikilos

Unknown said...

Under normal circumstances may kanya kanya talaga mandato yan, pero pag extra ordinary na yung situation they must go beyond their mandate.

BotanteNinyo said...

Pagtulong galing sa bulsa ang kailangan NG bayan Hindi Ang napasang batas at inilabas na pera na galing din sa Buwis NG mamamayan NG pilipinas,

pakita nio na may pagdamay Kayo sa mahihirap, Hindi nagawa nio nakaraan ay isusumbat na, baka pwd nman Sabi ni Yorme e Makita Ang pagtulong nio galing sa Bray NG bulsa nio.

thanks

Unknown said...

Pero may obligasyon kayo sa taong bayan